Ang Konseho ng Europa ay inaprubahan ang isang resolusyon para makaboto ang mga imigrante sa eleksyon. Salamat sa isang susog ng Senador na Italyano si Giacomo Santini, na nagsabing: "Mayroong isang democratic deficit". Ang PD: "Ngayon ay kumilos din ang Italya"
Roma, Oktubre 31, 2012 – Karapatang bumoto ng mga imigrante? Ang Italya, kapag nasa labas ng bansa, ay oo ang sagot at kasama sa majority .
"Ang mga bansa ng Europa ay dapat padaliin ang proseso ng citizenship at ipagkaloob ang karapatang bumoto sa mga imigrante at mga pagkakataon para mapabilang sa pamayanan. Hindi naibibigay ang isang serbisyo ng pagiging demokratiko kung hindi ipagkakaloob sa malaking bilang ng mga migrante ang buhay politika at ang halalan.
Ang resolution "upang matiyak ang higit pang demokrasya sa halalan," naaprubahan noong Oktubre 3 sa Strasbourg ng Parliament Assembly ng Council of Europe, binubuo ng mga kinatawan ng 47 na bansa ng dating kontinente. Ito ay ang resulta ng isang susog ng Senador ng PdL na si Giacomo Santin at inaprubahan (sa pamamagitan ng boto) ng lahat ng Italian delegates.
Si Santini, buhat sa isang partido na ang boto para sa mga imigrante ay ayaw marinig, sa Strasbourg ay ang chairman ng Immigration Committee. At sa maikling ulat na kasama ng susog ay binigyang-diin ang “isang democratic deficit ang hindi pagbibigay ng pagkakataon sa mga imigrante sa buhay pulitika, kabilang ang karapatang bumoto at ang posibilidad na lumahok sa demokratikong halalan."
"Ang bilang ng mga migrante sa State member na walang karapatang bumoto ay malaki at bawat hakbang upang maabot ang higit na demokratikong halalan ay dapat tingnan kung paano mapapabilang ang mga migrante. Ang hindi pagbibigay ng karapatan ng rapresentansa sa mga migrante ay hindi magbubunga ng higit na demokratikong halalan – pagtatapos pa ni Santini – bagkus ay isang kulang sa demokrasya.
Ano kaya ang nilalaman ng isip ng mga lider ng PDL. Samantala, sina Pietero Marcenaro at Federica Mogherini Rebesani ng PD ay natutuwa: "Ito ay isang mahalagang hakbang, na nagbibigay ng katiyakan sa mga rekomendasyon ng Konseho ng Europa, ngunit partikular na mahalagang ulitin ngayon, sa harap ng nagiging malakas na pwersa ng rasismo sa ating bansa. Umaasa kami na ang Italya ay magpapatuloy sa direksyong ito. "