in

Kasal, patunay ng proseso ng integrasyon

Ang mga ipinanganak sa Italya mula sa isang dayuhang magulang ay umabot sa 105,000 sa taong 2010,halos one-fifth ng kabuuang number of births, at sampung beses na mas marami kumpara sa taong 1992. Ang mga detalye buhat sa yearbook ng Istat.
altRoma, Mayo24, 2012– Ang paglago ng populasyon ng Italya ay halos dahil sa mga dayuhan, na ayon sa mga unang ulat ng ika-15 Census, ay umabot sa 59,464,000 – mas mataas ng 2,687,000 mula 1991. Ang bilang ng mga dayuhan ay halos na-triple sa huling dekada at sa kasalukuyan ay umabot sa 3,770,000 (6,3 bawat 100 residente).

Ito ay tinatawag na proseso ng integrasyon at ipinapakita rin ang pagdami ng mix marriages (na mayroong isang dayuhan), na higit sa 25,000 noong 2012 (ang 11,5 % ng lahat ng mga ikinasal), higit sa doble sa taong 1992. Ito ay ayon sa Istat yearly report 2012. Noong 2011, ang 50 % ng mga dayuhan ay nagbuhat sa Romania, Albania, Morocco, ChinaatUkraine

Tumitibay ang proseso ng integrasyon at lumalalim ang samahan ng mga komunidad. Halos kalahati ng 3 milyon at kalahati ng mga EU-nationals ay mayroong long term residence permit. Kahanay nito ang pagkakaroon ng citizenship sa pamamagitan ng naturalization at kasal na halos 40,000 sa taong 2010.

Ang mga ipinanganak sa Italya mula sa isang dayuhang magulang ay umabot sa105,000 noong 2010, halos one-fifith ng kabuuang number of births, sampung beses na mas marami katumbas noong1992. Kasabay nito, ang pagdami ng“ikalawanghenerasyon”, ang mga residenteng menor de edad na dayuhan ay halos 993,000 noong 2010 (ang 21.7 % ng kabuuang bilang ng mga dayuhang residente). Patuloy din ang pagtaas sa bilang ng mga mag-aaral na dayuhan: sa school year 1994/1995 ay naka-enrolled ang di pa umabot sa 44,000 dayuhn, mas mababa saanim namag-aaral sa bawat isang libong, samantala noong  2010/2011 ay umaabot ng halos 711,000 o 79 sa bawat isang libong mag-aaral.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pambabastos sa Impeachment Court

Menudong Baboy