in

Kasunduan ng Prefecture at Comune di Milano, magpapadali sa aplikasyon ng Ricongiungimenti Familiari

Isang kasunduan ang pinirmahan kamakailan ng Prefecture at Comune di Milano. Ito ay ukol sa gagawing pagtutulungan ng dalawang nabanggit na tanggapan sa pag-aasikaso ng mga aplikasyon ng Ricongiungimento Familiare ng mga dayuhang mamamayan na residente sa nabanggit na lugar. Ang kasunduan ay pinirmahan ng Prefect ng Milan, Renato Saccone at Mayor ng Milan, Giuseppe Sala noong nakaraang Sept. 23, 2020. 

Ang layunin ay ang pag-ibayuhin ang serbisyo at mapabilis ang proseso ng dumadaming aplikasyon ng family reunification na sa huling limang taon ay umabot sa 26,516 aplikasyon. 

Kaugnay nito, ang Comune di Milano ay magbibigay ng karagdagang serbisyo sa pagsusumite ng aplikasyon ng nulla osta, sa pamamagitan ng isang platform. Ang Comune ang tatanggap ng mga aplikasyon at susuriin nito kung kumpleto ang mga requirements ukol sa reddito at alloggio at aalamin kung ang aplikasyon ay nararapat magpatuloy. Ito ang magpapahintulot na mapabilis ang pagsusuri ng Sportello Unico per l’Immigrazione ng Prefecture na magpapadala naman ng final result ng aplikasyon sa Comune na sya namang magbibigay komunikasyon sa aplikante. 

Simula Oktubre ay magkakaroon ng bagong tanggapan sa via Don Carlo San Martino 10 – Milano, kung saan magbibigay ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa ricongiungimento famigliare, oryentasyon sa proseso, iba’t ibang serbisyo ng integrasyon at edukasyon tulad ng kurso ng italian language. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

400 paaralan sa Italya, nagtala ng mga kaso ng Covid-19

Obligadong pagsusuot ng mask kahit sa outdoor, ibinabalik sa ilang Rehiyon