Matutunghayan sa ibaba ang opisyal na tagalog translation ng nilalaman ng Kasunduan para sa Integrasyon o Integration agreement buhat sa Ministry of Interior.
Paunang Salita
Ang integrasyon, isang kasunduan para mapalaganap ang pamumuhay ng mga italyano at mga legal na migrante sa teritoryo nasyonal alinsunod sa mga nakasaad sa Konstitusyon ng Italya, ito ay nababase sa mutual na kasunduan sa paglahok sa buhay pam-pinansal, sosyal at kultural ng sosyedad.
Partikular dito, para sa mga migrante na makasunod sa integrasyon, ay ang pagtututo ng wikang italyano, kailangan din na rispetuhin at makiisa sa pagpapalaganap ng halaga ng demokrasya ng kalaaan, ng pantay-pantay na turingan at pakikipagtulungan na alinsunod sa ugat ng Republika ng Italya.
Dahil sa adhikain na ito ang kasunduan ng integrasyon, ayon sa artikulo 4-bis ng testo unico para sa migrasyon, kinakailangan nang migrante, kalakip ng aplikasyon para magkaroon ng permit of stay, na lagdaan ang kasunduan upang makamit ang permit of stay.
Dahil dito, si Ginoo/Ginang ______________________________, na mula ngayon ay tatawagin na <
Art. 1 . Tungkulin ng migrante
Ang kinauukulan ay magsisikap na:
a) Matutunan ang wikang italyano na may antas na A2 alinsunod sa kasulatan para sa mga wika na ipinatutupad ng Europa;
b) Matutunan ang mga importanteng prinsipyo ng Konstitusyon ng Republika, ng organisasyon at pagpapalakad ng mga institusyong pam-publiko at ang buhay sibil sa Italya, particular na atensyon ayon sa kalusugan, paaralan, mga serbisoyng sosyal, trabaho at tungkulin pam.pinansyal;
c) Garantiyahan ang pagpapatupad sa obligadong pagpapaaral sa mga menor de edad;
d) Punan ang mga obligasyong piskal at kontribusyon.
Ang kinauukulan ay naghahayag ng pakikiisa sa Kasulatan ng halaga ng pagkamamamayan at ng integrasyon na ayon sa dekreto ng Department of Internal Affairs noong ika-23 ng Abril 2007 at sisikapin na rispetuhin ang mga nasabing prinsipyo.
Art. 2 – Tungkulin ng Bansa
Ang Bansa:
a) ay titiyakin ang pagbibigay ng karapatan sa bawat isa at ang pantay na social dignity ng mga tao regardless sa kasarian, lahi, wika, relihiyon, opinion pam-pulitika at kondisyon personal at sosyal, upang maiwasan ang pagsisimula ng kapootang panglahi at diskriminasyon; magbibigay din ng access para sa mga impormasyon na makatutulong sa mga migrante upang maintindihan ang nilalaman ng Konstitusyon ng Italya at ang alituntunin ng Bansa;
b) garantiyahan alinsunod sa mga rehiyon at mga local na pamahalaan ang pagkontrol sa mga batas para sa trabaho; garantiyahan ang buong access para sa serbisyong pangkalusugan at ang para sa pagpasok sa obligadong pagpapa-aral;
c) paboran ang proseso ng intergrasyon ng kinauukulan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng wastong inisyatibo, alinsunod sa rehiyon, lokal na pamahalaan at asosasyong non profit.
Base sa kwadrong ito, tinitiyak para sa kinauukulan, bago lumipas ang isang buwan sa paglagda ng kasunduan, ang libreng pakikibahagi sa isang sesyon ng pormasyong sibika at impormasyon tungkol sa buhay sa Italya, ang duration ng sesyon ay isang araw.
Art. 3 Tagal ng kasunduan
Ang kasunduan ay may tagal na dalawang taon at maaaring mapahaba ng isa pang taon.
Art. 4 – Artikulasyon ng kasunduan alinsunod sa kredito
Ang kasunduan ay articulated per credit, ibig sabihin ang kinauukulan ay bibigyan ng credits na nakasaad sa nakalakip B ng regulasyon na magdidisiplina sa kasunduan ng integrasyon, ang bilang ay alinsunod sa makakamit na antas sa kaalaman sa wika, sa kultura sibika at buhay sibil sa Italya, bibigyan din ng sertipikado na may halagang legal matapos ang pag-dalo sa mga kurso bilang pormasyon, edukasyon at integrasyon pang-wika at sosyal. Sa paglagda sa kasunduan bibigyan ang migrante ng labing anim na kredito, alinsunod sa antas na A1 ng kaalaman sa wikang italyano at sapat na antas ng kaalaman ng kultura sibika at buhay sibil sa Italya. Ang mga kredito ay maiku-
confirm matapos ang isang beripikasyon sa kasunduan at makikita na may sapat na kaalaman sa wikang italyano na may antas A1 at sapat na kaalaman sa kultura sibika at buhay sibil sa Italya, kung hindi naman makakapasa ay babawasan ang kredito. Kung makikita na ang antas ng kaalaman at mas mataas sa minimum na nakasaad sa puntos 1 at 2 ng Nakalakip B, ay magbibigay ng extra puntos alindunod sa antas ng kaalaman.
Ang kredito na makakamit ay mababawasan ayon sa nakasaad sa Nakalakip C ng regulasyon na nagdidisplina sa kasunduan ng integrasyon, tulad ng: pagkakaroon ng hatol pam-penal kahit na ang sentensya ay hindi depinitibo; ang aplikasyon kahit hindi depinitibo ng personal security measures ì; pagpapataw ng depinitibong parusa na pagbabayad ng pera ayon sa iligal na transaksyon o hindi pagbabayad ng buwis. Ang kabuoan ng pagbabawas ng kredito ay alinsunod sa kabigatan ng mga iligal nap am-penal, administratibo o hindi pagbabayad ng buwis at ang hindi pagtupad na ginawa.
Ang hindi pakikibahagi sa sesyon ng pormasyon sibika at impormasyon tungkol sa buhay sa Italya na nakasaad sa art 2 ay makakabawas din ng labinlimang puntos ng kredito sa labing anim na ibinigay sa paglagda ng kasunduan.
Art. 5. – Pagtatapos at beripikasyon ng kasunduan
Isang buwan bago matapos ang ikalawang taon ng tagal ng kasunduan, ang sportello unico para sa migrasyon na matatagpuan sa preferture-opisina ng teritoryo ng gobyerno ng __________________, mula ngayon ay tatawagin <
Ang beripikasyon ay matatapos sa pagbibigay ng kredito pinal at ang pagbibigay ng isa sa mga sumusunod na pagtitika:
a) pagsunod sa kasunduan, kung ang final na credito ay walang bawas o higit pa sa ibinigay noong una at kung ang antas ng kaalaman sa wikang italyano at kultura sibika at ang buhay sibil sa Itala na nakasaad sa art. 1 lett. A) at b);
b) pagpapahaba ng kasunduan ng isang taon sa katulad na kondisyon, kung ang bilang ng final na kredito ay mula isa hanggang dalawampu’t siyam ibig sabihin ay hindi nakapasa sa antas na itinalaga para sa kaalaman ng wikang italyano, ng kultura sibika at buhay sa Italya na nakasaad sa letrang a). Ang pagpapahaba ay ipapaalam sa kinauukulan.
c) hindi pagtupad sa kasunduan at ang pagpapatalsik sa kinauukulan sa teritoryo nasyonal, kung ang final na kredito ay katulad o mas mababa pa sa zero. Kung ayon sa batas, ang kinauukulan ay hindi maaaring mapatalsik ang hindi pagtupad sa kasunduan ay ikokonsidera para sa future discretional decision na tungkol sa migrasyon.
Kung ang permit of stay na may tagal na isang taon, isang buwan bago ito ma-expire ay isasagawa ang beripikasyon sa pakikibahagi sa sesyon ng pormasyon sibika at impormasyon na nakasaad sa artikulo 2, at babawasan ng labinlimang puntos ng kredito sa labing anim na itinalaga sa kaunahang
paglagda, kung makikita na hindi dumalo, at ipagpapaliban sa araw na itatalaga ang risultado ng beripikasyon na isasagawa bago ma-expire ang ikalawang taon na tagal ng kasunduan.
Ang hindi pagtupad sa kasunduan na nakasaad sa artikulo 1 lett. C) ay magbubunga ng nakasaad sa huling lett c).
Art. 6. – Talaan ng mga lumagda sa kasunduan sa integrasyon
Sa Departimento para sa kalayaan sibil at migrasyon ng Department of Internal Affairs ay nagbuo ng talaan nasyonal ng mga lumagda sa kasunduan sa integrasyon, nakatala ditto ang lahat ng datas na nakasaad sa kasunduan na nilagdaan, ang mga kredito na ibibigay o ibabawas, at ang mga pagbabago sa kasunduan at ang mga matatapos na kasunduan. Ang mga datas na ilalagay sa talaan ay ipapaalam sa kinauukulan. Ang mga kinauukulan ay may direct access sa talaan, upang makontrol ang lagay ng kasunduan na nilagdaan.
Art. 7. – Katapusan ng Pangangasiwa
Ang pamamahala sa kasunduan matapos ang lagdaan ay pangungunahan ng sportello unico para sa migrasyon na matatagpuan sa prefecture-opisina teritoryoal ng Gobyerno ng__________________
Para naman sa mga nakasaad sa kasunduan, ay ipapatupad ang mga dispositions ng dekreto ng Presidente ng Republika D.P.R. 179/2011; na siyang magdidisiplina sa kasunduan para sa integrasyon ng migrante at ng Bansa.