Tanggap na rin ang mga dokumentasyon sa pagbili ng SIM card, subscription sa public transportation (na nagtataglay ng picture at personal datas) at ibang dokumento buhat sa mga pribadong tanggapan ngunit “nagbibigay ng serbisyong pampubliko”. Ang Avvocatura dello Stato ay tinanggap ang ‘pananaw ni Riccard’, at binibigyan ng higit na pagkakataon ang mga mangggagawang dayuhan.
Roma – Oktubre 4, 2012 – Medical certificate at anumang multa, gayun din ang dokumentasyon sa pagbili ng sim card, subscription sa public transportation o mga sertipiko ng reception center (centro di accoglienza). Kasalukuyang humahaba ang listahan ng mga dokumento na magpapatunay ng pananatili sa bansa simula noong dec 31, 2011 na kinakailangan sa regularization.
Huli man daw at magaling ay maihahabol din. Marahil masyadong huli na, ngunit sa wakas ang mga paglilinaw ay umabot pa rin. Sa kabutihang-palad ay pinakinggan ang linya ni Riccardi 'mas malawak na interpretasyon ng "pampublikong kinatawan" na pinainit ng ministry of integration, at sa ngayon ay hinarap ng Ministries of Labour at Interior. Isinulat ito ng Avvocatura Generale dello Stato sa pamamagitan ng parere (matatagpuan sa ibaba) na maaaring magbigay buhay sa Sanatoria.
Sino ang mga ito, ang pangunahing katanungan ng Avvocatura, na tatanggap ng regularization? “Mga dayuhang hindi regular sa bansa at dahil dito ay mahirap silang magkaroon ng mga dokumentasyong buhat sa administrasyon o public entity”, tulad ng mababasa. At ito ay tila isang ‘sampal’ sa pagpili ng mga katibayan ng pananatili buhat sa ‘public organism’ng mga undocumented.
Matapos dito ay ang paglabas ng interpretasyon ng ‘public organism’. Tulad ng isinulat ng Avvocatura: "Ang makatwirang paliwanag sa likod ng malawak na terminolohiyang mga pampublikong kinatawan ay tiyak na kabilang rin ang publiko, pribado o lokal na awtoridad na institutionally o sa pamamagitan ng authorization ay mayroong functions, attribution at serbisyong pampubliko.
Sa puntong ito, nakakagiliw alamin ang nilalaman ng listahan ng mga dokumentong balido bilang katibayan. Ito ay dahil tanggap na ang mga sumusunod:
– Medical certificate buhat sa public structures
– School certificate ng mga anak ng worker
– Subscription sa public transportation na mayroong larawan at personal datas
– Certification buhat sa awtoridad: anumang uri ng multa
– Dokumentasyon sa pagbili ng sim card tulad ng wind, Vodafone at Tre)
– Authorized reception o refuge center o shelter (kahit religious center)
Ang ilan sa mga dokumentong ito ay hindi buhat sa pamahalaan, ngunit ayon sa Avvocatura dello Stato, ay nagbuhat sa mga “tanggapang nagbibigay ng serbisyo at/o kaugnay sa publiko na hindi inalintana ang kundisyon ng user/owner”. Ang pagbibigay ng ibang interpretasyon, babala ng opinion, “ay nangangahulugang hadlangan ang kalooban ng mambabatas."
Nabanggit rin ang dalawang iba pang mga paglilinaw ukol sa katibayan ng pananatili bago sumapit ang dec 31, 2011 mula sa non italian public authority: ang timbre Schengen ng ibang bansa na matatagpuan sa pasaporte ng manggagawa (ito ay para sa mga dumaan sa ibang bansa ng Europa bago dumating sa Italya) at mga dokumento buhat sa mga embahada at konsulado sa Italya.
Ang timbre o stamp lamang ay hindi sapat. Maaari, sa katunayan “patunayan lamang ang presensya ng dayuhan, sa petsang iyon sa Schengen countries ngunit hindi sa bansang Italya”. Dapat, samakatuwid, samahan ng iba pang dokumentasyon buhat sa pinalawak na interpretasyon ng ‘public organism’ tulad ng nabanggit sa itaas.
Gayunpaman, isang green light sa mga dokumento buhat sa embahada at konsulado. "Ito, sa katunayan, ay mga dokumentasyon mula sa publikong awtoridad, bagamat hindi nasyunal, ngunit inisyu naman sa bansang Italya at ito ay maaari lamang ipagkaloob sa pamamagitan ng personal appearance sa loob ng bansa”.
Mahalagang tandaan, lahat ng dokumentasyon na napapaloob sa pinalawak na interpretasyon ng ‘public organism’ ay mayroong petsa bago sumapit ang dec. 31, 2011.
Il parere dell’Avvocatura Generale dello Stato