in

Kawalan ng minimum salary required, hindi hadlang sa renewal ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato

Ayon sa isang hatol ng TAR Lombardia kamakailan, hindi awtomatikong hadlang sa renewal ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato ang kawalan ng minimum salary required katumbas ng halaga ng assegno sociale.

Nananatiling may karapatan ang dayuhan sa renewal ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato kahit hindi sapat ang taunang sahod para umabot sa halagang katumbas ng assegno sociale”, ayon sa hatol noong March 28 ng TAR Lombardia.  

Dahil ang nabanggit umanong requirement ay obligado lamang sa request o aplikasyon ng EC long term residence permit o dating carta di soggiorno at sa family reunification process o ricongiungimento familiare. Habang para sa permesso di soggiorno per motivo di lavoro ay kailangan lamang ang pagkakaroon ng sapat na sahod mula sa legal na paraan.

Gayunpaman, ang pagkakaroon ng minimum salary required katumbas ng halaga ng assegno sociale ay kumakatawan, ayon sa mga hukom, bilang isang kriteryo o batayan at ang kakulangan nito ay hindi awtomatikong hadlang sa renewal ng permit to stay per lavoro subordinato, at kailangan ding isaalang alang ang ibang paraan na makakatulong sa pangangailangan ng imigrante upang mamuhay.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pilipino, ikalawa sa pinakamalaking komunidad sa Bologna

Ako Ay Pilipino

Click day para sa mga Seasonal workers, ngayong araw na!