in

Kawalan ng permesso di soggiorno at rehistradong address, di hadlang sa pagiging naturalized italian. Ang hatol ng korte ng Palermo.

Isang dayuhan, anak  ng Sri Lankans, ang ipinanganak at naninirahan sa Palermo, ang pinagkaitan ng karapatang maging isang italyano dahil sa kawalan ng permit to stay, ng pasaporte at burado na rin bilang rehistradong residente sa anagrafe.

Bago sumapit ang ika-labinsiyam na kaarawan ay ginawa ng aplikante ang deklarasyon ng pagnanais na maging isang mamamayang italyano sa Comune. Bagay na ginagawa ng lahat ng mga kabataang ipinanganak sa Italya mula ika-18 hanggang ika-19 na taong gulang.

Ang deklarasyon ay tinanggihan ng Comune dahil sa kawalan ng permesso di soggiorno, kanselasyon bilang residente sa anagrafe at kawalan ng patuloy na regular na tirahan.

Isang hindi madaling kaso na hindi madaling tinaggap ng aplikante. Ito ay nagsampa ng kaso sa Giudice ordinario na tinanggap naman ang kanyang apela. Isinasaalang-alang ng hukom ang lahat ng mga legal na paraan para sa pagkilala sa karapatan sa aplikante bilang mamamayang Italyano.

Narito ang hatol ng Korte ng Palermo noong June 25, 2019.

Basahin rin:

Citizenship ng mga ipinanganak sa Italya, narito kung paano

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga dapat malaman tungkol sa sakit na Anemia

Iwasan ang Postepay o Postepay Evolution scam, narito kung paano.