in

Kontribusyon at Cassa colf, babayaran sa Inps hanggang July 11

Hanggang Lunes, July 11, ang mga employers ay kailangang magbayad sa Inps ng kontribusyon para sa mga buwan ng April, May at June. Bukod dito ang Contributo di assistenza contrattuale.

 

Roma, Hulyo 2, 2016 – Ang ikalawang petsa ng quarterly contributions  ay nakatakda ng July 1 – July 11, para sa kontribusyon sa buwan ng April, May at June.

Ang halaga ng kontribusyon ay nagbabago batay sa sahod, sa oras ng trabaho at sa uri ng kontrata, kung permanente (indeterminato) o pansamantala (determinato). Sa katunayan, sa huling nabanggit ay nasasaad ang bahagyang dagdag maliban na lamang kung substitute ng worker na naka sick leave o maternity leave. 

Babayaran muna ng employer ang halagang dapat bayaran ng worker at kukunin na lamang sa sahod ng colf. 

Kung magtatapos ang trabaho, ay babayaran ng employer ang kontribusyon hanggang sa panahon ng pagte-terminate o pagre-resign ng worker.

Bukod sa kontribusyon ng Inps, ang employer ay kailangang bayaran rin ang Contributo di assistenza contrattuale (Codice F2) para sa Cassa Colf.  Ang Cassa Colf ay nag-iinsured sa employer sa kaso ng aksidente ng colf at nagbibigay rin ng karagdagang benepisyo sa kaso ng pagkakasakit at hospitalization ng worker. 

 

Ang halaga nito para sa 2016, para sa lavoro determinato at indeterminato, anuman ang sahod at oras ng trabaho ay € 0.03 (ang € 0.01 ay sagot ng worker) kada oras.

Basahin rin:

Halaga ng kontribusyon ng mga colf, caregivers at babysitters sa 2016

Paano babayaran ang kontribusyon sa Inps?

Hindi nagbayad ng kontribusyon ang aking employer, nanganganib ba ang aking permit to stay?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Individual permit to stay sa mga menor de edad, batas na!

Submission ng application sa Servizio Civile, extended hanggang July 8.