Simula ngayong araw, May 25, ang lahat ng mga mag-aaplay ng italian citizenship ay makakapagbayad online ng kontribusyon ng € 250 at ng marca da bollo na € 16,00 direkta sa ‘Area Cittadinanza’ ng website ng Ministry of Interior, sa pamamagitan ng PagoPa, ang platform ng mga online payment para sa mga serbisyo ng pampublikong administrasyon.
Gayunpaman hanggang July 8 ay posible pa ring gamitin ang tradisyonal na paraan ng pag-scan at pagpapadala, sa electronic application form, ng resibo ng binayarang kontribusyon at ang pagbibigay ng serial number ng marca da bollo.
Sa panahon ng transition period, mula May 25 hanggang July 8, ay maaaring magpatuloy sa tradisyunal na paraan sakaling tanggihan ang aplikasyon online: dahil dito, magagamit ng aplikante na muling magsusumite ng aplikasyon ang pagbabayad na ginawa sa pamamagitan ng paglalakip ng mga angkop na resibo.
Makalipas ang petsang July 8, ay esklusibong gagamitin ang platform ng PagoPa sa pagbabayad ng kontribusyon ng € 250,00 at ng marca da bollo ng € 16,00. Ito ay magbibigay posibilidad sa aplikante na awtomatikong makuha ang pinagbayaran sakaling nais na muling magsumite ng aplikasyon matapos itong i-reject sa unang aplikasyon.