Isang bagong serbisyo buhat sa INPS para sa mga domestic workers . Ito ay matatagpuan sa www.inps.it, ngunit nangangailangan ng pin code upang maka-access.
Roma – May 3, 2013 – Para sa mga colf, caregivers at babysitters, mula ngayon ay sapat na ang isang click upang makita ang detalye ng kanilang mga kontribusyon sa seguridad sa pamamagitan ng pagbabayad ng mga employer. Ito ay dahil sa bagong serbisyo ng Inps na sinimulan ilang araw pa lamang ang nakakalipas.
Mag-log on lamang sa www.inps.it, puntahan ang Servizi Online at pagkatapos ay ang Servizi per cittadino – Autenticazione con PIN/Autenticazione con CNS – Lavoratori domestici – Estratto contributivo lavoratore.
Ngunit upang maka-access ay kinakailangan ang PIN code o ang secret code na syang personal identification. Ang sinumang wala pang Pin code ay maaaring humiling nito, sundan lamang ang pamamaraang nabanggit dito.
Bukod sa general information, ang statement of contribution (o estratto) na nagtataglay ng kumpletong listahan ng kontrbusyon at ang pagkakataong masuri ang lahat ng ito. Sa bawat kontribusyon ay makikita ang mga impormasyon ukol dito: ang taon at ang tinutukoy na quarter payment; ang employer, ang code ng hiring (o rapporto di lavoro), at ang halagang ibinayad; ang oras na binayaran at ang tinutukoy na oras ng trabaho; ang hrs per week, ang angkop na indikasyon, halimbawa kung ang pinagbayaran ay partially o totally reimbursed, o kung mayroong naganap na sospesyon sa pagbabayad buhat sa employer.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]