Ang mga employer sa domestic job ay kailangang bayaran hanggang April 11 ang kontribusyon para sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso.
Rome – Abril 1, 2016 – Muling nagbabalik ang quarterly appointment ng mga employer sa domestic job. Ito ay ang pagbabayad ng kontribusyon sa Inps.
Hanggang April 11 ay dapat bayaran sa Inps ang first quarter payment para sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso 2016. Kasama dito ay ang halagang dapat bayaran ng colf na aabonohan muna ng employer at maaaring kunin ng lamang sa sahod ng worker.
Maaaring pumili ng iba’t ibang paraan ng pagbabayad. Maaaring online, sa pamamagitan ng website www.inps.it; telepono sa pamamagitan ng pagtawag sa call center 803164 at gamit ang credit card; sa pamamgitan ng bollettino MAV na ipinadala ng Inps o ginawa sa tulong ng website, sa mga authorized tobacco shops, bangko, post offices na may Reti Amiche network.
Ang halaga ay nag-iiba batay sa sahod, ngunit ang oras ng trabaho na higit sa 24 hrs per week ay may fixed amount. Bukod dito, para sa mayroong contratto di lavoro a tempo determinato, maliban na lamang kung ito ay substitution lamang ng worker na pansamantalang naka-leave dahil sa bakasyon, maternity o sick leave, ang kontribusyon ay mas mataas.
Ipinapaalala na bukod sa kontribusyon sa Inps, ay dapat ding bayaran ng employer ang Contributo di assistenza contrattuale (Codice F2) para sa Cassa Colf. Ang halaga para sa taong 2016, para sa lahat ng uri ng kontrata, anuman ang sahod at oras ng trabaho ay € 0.03 (ang € 0.01 ay dapat bayaran ng colf) kada oras.
Narito ang Halaga ng kontribusyon ng mga colf, caregivers at babysitters sa 2016