in

Kontribusyon ng mga permit to stay, tinanggal na!

Tinanggap ng  Administrative Court ang apila ng Inca at CGIL, at tuluyang tinatanggal nito ang kontribusyon ng mula 80 hanggang 200 euros para sa releasing at renewal ng permit to stay. 

 

Rome, Mayo 26, 2016 – Ang mataas na bayarin sa permit to stay ay tinanggal na, ang mga imigrante ay hindi na kailangang magabyad ng 80, 100 o 200 euros upang manirahan sa Italya. 

Isang hatol buhat sa Administrative court o TAR ng Lazio ang tuluyang nagtatanggal sa halagang dapat bayaran ng mga imigrante sa releasing at renewal ng kanilang mga permit to stay simula noong 2012. Ito ay matapos tanggapin ang apila ng Inca at Cgil. Ito ay isang matagumpay na laban para sa mga patronato at sindacati ngunit higit sa lahat ay tagumpay ng milyung-milyong mga imigrante na nakipaglaban ng apat na taon sa Italya at Europa. 

Ang European Court of Justice mismo ang nagsabi sa Tar, noong nakaraang Septyembre 2, na ang kontibusyon para sa releasing at renewal ng mga permit to stay na hinihingi ng Italya sa mga imigrante ay hindi makatarungan at isang hadlang para sa karapatan ng mga dayuhan, at samakatwid salungat sa panuntunan ng Europa. Ang hinaing ay bumalik sa Tar para sa pinal na desisyon ngunit ang pamahalaan ay walang anumang pagkilos ukol dito at sa halip na tanggalin ang kontribusyon ay bahagya pa itong tumass ng halos 3 euros. 

Kamakailan, ang ikalawang seksyon ng TAR Lazio, ay kumilos ukol sa naging pahayag ng European Court at tuluyang nagdesisyong magpatuloy sa “pagtatanggal sa pambansang batas na nag-oobliga sa mga third-country nationals na humihiling ng releasing at renewal ng permit to stay na bayaran ang kontribusyon mula 80 hanggang 200 euros”. Ang sentensya ay nagkakansela sa mga pangunahing artikulo ng ministerial decree (DM Oct 6 2011) pirmado ni dating Interir Minister Roberto Maroni at Giulio Tremonti na nagpatupad sa nasabing kontribusyon. 

Ngayon? Ngayon ang mga imigrante ay hindi na kailangang magbayad pa nito. At marahil ang gobyerno ay hindi agad ito ipag-uutos sa mga Questure at sa lalong madaling panahon ay magbibigay ng mga bagong halaga, mas mababa sa mga nauna, ngunit malinaw ang nilalaman ng sentensya: sa ngayon ang halagang iyon ay hindi dapat hingin sa sinumang humihiling ng releasing o renewal nito. Nananatili gayunpaman ang ibang bayarin tulad ng 16 euros na marca da bollo, 30,46 kabayaran sa electronic permit at 30 euros para sa serbisyo ng Poste Italiane. 

Walang paglagyan ang aming kasiyahan dahil dito nagtatapos ang hindi makatarungang pagtingin sa mga dayuhan”, ayon kay Morena Piccinini, ang presidente ng Inca sa Stranieriinitalia.it. “Ilang taon rin na maling pananaw ang umiiral para sa mga imigrante at hindi komo mga dayuhan sila ay maaaring obligahan na magbayad ng malaking halaga para manatili sa Italya ng hindi isasaalang-alang ang kanilang mga karapatan. Dapat ay kumilos agad ang gobyerno matapos ang sentensya ng European Court ngunit ilang buwan din ang lumipas at walang anumang nangyari”. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

KUWAIT AIRWAYS links Rome to MANILA

Narito ang batas na nagtatanggal ng buwis sa permit to stay