in

Kontribusyon ng permit to stay “Masyadong mataas”, TAR humihingi ng paglilinaw sa EU

Naghain ng reklamo ang CGIL at Inca upang kanselahin ang kontribusyon para sa issuance at renewal ng dokumento. Kahit para sa Tar ng Lazio ang halaga nito ay masyadong mataas, ngunit ang ‘hatol’ ay naka-pending habang hinihintay ang desisyon ng Court of Justice.
Roma – May 28, 2014 – Dalawang taon na rin na ang pagiging isang regular na imigrante sa Italya ay may katumbas na malaking halaga bilang isang regalo buhat sa huling gobyerno ni Berlusconi, ang  “kontribusyon para sa releasing at renewal ng mga permit to stay”.

Ang mga dayuhang naninirahan at nagta-trabaho sa Italya, upang magkaroon at ma-renew ang kinakailangang dokumento, ay obligadong magbayad ng mula 80 hanggang 200 euros, batay sa haba ng validity at uri ng nasabing dokumento. Isang mabigat na halaga na idadagdag sa 27,50 euros bilang kabayaran sa electronic document, sa 30 euros na halaga naman ng Italian Post office na tumatanggap ng aplikasyon at isang revenue stamp na nagkakahalaga ng 16 euros.

Ang kontribusyon para sa releasing at renewal ng mga permit to stay, gayunpaman, ay maaaring mapalitan sa lalong madaling panahon ng mga hukom. Sa katunayan, para sa Tribunale Amministrativo Regionale (TAR) o Regional Administrative Court ng Lazio, ito aynalilihis sa hinihingi ng batas ng Europa, at nangangailangan ng angkop na pagkilos ng Court of Justice ng European Union .

Ang Cgil at Inca ang nagdala sa korte ng nabanggit na kontribusyon sa permit to stay sa pamamagitan ng isang dekreto ng dating Minister of Interior at economy na si Roberto Maroni at Giulio Tremonti. Sa kanilang ginawang reklamo, ang unyon at mga patronato ay hinihingi ang ganap na pagpapawalang-bisa sa dekreto, na hindi naaayon sa batas dahil sa maraming dahilan: sa katunayan ay lumalabag sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at pangangatwiran, ng kakayahang magbigay kontribusyon, at ng mahusay na pagtakbo ng gawaing administratibo.

Inaakusa rin maging ang destinasyon ng halagang makakalap ng estado dahil sa kontribusyon. Ang 50% ay napupunta sa Viminale para sa mga gastusin para sa public peace and order, upang pondohan ang mga sportelli unici at sa pagpapatupad ng integration agreement, at ang kalahati nito o ang 50% naman ay upang pondohan ang “Fondo Rimpatri”, samakatwid, ang mga regular na imigrante ang magbabayad sa pagpapatalsik ng mga undocumented. Isang pagbabahagi na hindi makatwiran para sa Inca at Cgil.

Ang TAR, sa pagsusuri ng inihaing kaso, ay isinaalang-alang ang European law.

"Ang bawat Member State – tulad ng mababasa sa ordinanza  – ay may karapatan na pamahalaan ang releasing ng mga permit to stay hanggang sa paghingi ng kontribusyon na ang halaga nito ay hindi dapat maging balakid upang matanggap ang kanyang status bilang permanent resident”. Bukod dito, ang kapangyarihan na mayroon ang isang Member State upang magtalaga ng halagang ito ay hindi ‘unlimited’ at hindi nagpapahintulot upang magtalaga ng labis na kontribusyon batay sa kakayahang pinansyal ng mga mamamayan”.

Pagkatapos ay ipinapaalala ng mga hukom “na ang halaga para sa pagkakaroon ng carta d’identita’ sa Italya ay nagkakahalaga lamang ng 10 euros” habang “ang pinakamababang halagang itinalaga ng dekreto para sa mga permit to stay ay 80 euros” samakatwid ang buwis sa permit to stay ay “8 beses katumbas ng pagkakaroon ng carta d’identità”. Isang bagay na para sa TAR ay “salungat sa prinsipyo ng EU at lalong hindi sakop ng prinsipyo ng proporsyon”.

Samakatuwid ang desisyon ang hingin ang paglilinaw mula sa European Court of Justice, na may tungkuling tanggalin ang anumang alinlangan sa interpretasyon at sa pagpapatupad ng karapatan ng mga Member State. Sa paghihintay ng opinyong ito, ang hatol ng TAR ay nananatiling naka-pending.

“Isang mahalagang resulta ang ating hinihintay – ayon kay Morena Piccinini, ang president ng Inca – na maaaring idagdag sa maraming hatol na pabor sa imigrasyon na aming pinangunahan. Ito ay nagpapatunay lamang ng pagiging wasto at makatwiran ang mga hinaing kung saan aming hinahangad ang pamamagitan ng hustisya upang muling maitaguyod ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at karangalan sa maraming mga dayuhan na, sa kabila ng krisis, ay nagpasyang manirahan sa ating bansa. "

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Milan PCG Hiring for Overseas Voter Registration

Ako Ay Pilipino

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA MERS-COV