in

Kontribusyon ng permit to stay, para rin sa mga handa na for releasing

Ang mga itinakdang bagong halaga ng kontribusyon ay ipinatutupad simula June 9 sa mga magre-renew ng permit to stay at mag-aaplay ng EC long term residence permit pati rin sa mga renewed permit to stay at EC long term residence permit for releasing simula June 9.

 

Roma – Isang hindi magandang sorpresa ang natatanggap o bumubungad sa mga dayuhang akala ay handa na for releasing ang kanilang mga renewed electronic permit to stay sa iba’t ibang tanggapan ng Questura sa buong bansa. 

Sa katunayan, sa pintuan ng ilang Ufficio Immigrazione ay makikita ang isang abiso kung saan hinihingi ang karagdagang halaga ng kontribusyong inaprubahang muling ibalik nitong Hunyo para sa releasing o renewal ng mga permit to stay. 

Matatandaang ito ay opisyal na inilathala noong June 8 at mayroong immediate implementation o simula June 9: 40,00 euros – ang dapat bayaran ng sinumang magre-request ng renewal ng permit to stay na may validity ng higit sa 3 buwan at mas mababa naman ng isang taon; 50,00 euros –para sa releasing at renewal ng permit to stay na may validity ng higit sa 1 taon at mas mababa o katumbas ng dalawang taon; at 100 euros – para sa magre-request ng EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno bukod pa sa halagang 76,46 euros. 

Ngunit sa parehong abiso (masdan ang larawan ng abiso ng Questura di Cosenza), tulad ng inilathala ng Cosenza.it, ay nasusulat din na ang mga halagang nabanggit ay dapat bayaran sa releasing ng mga permit to stay na handa na bago pa man ang June 9, na dapat sana ay ang petsa ng simula ng pagpapatupad ng mga bagong kontribusyon matapos itong opisyal na ilathala. 

Sa madaling salita, ang bagong batas ay retroactive at samakatwid ay dapat bayaran ng mga dayuhan kahit na ang renewal ng nabanggit na dokumento ay ilang buwan ng nakakaraan bago pa man italagang muli ang kontribusyon at handa na for releasing. 

Kaugnay nito, liham naman ang natatanggap ng ilang mga dayuhan mula sa Questura di Brescia.

Sa liham (ikalawang larawan) ay inaanyayahan ang dayuhan na magbayad ng halaga at sa paraang nababanggit sa liham. Ngunit ang masaklap ay nasa huling bahagi nito kung saan nasasaad ang pagbibigay ng palugit o hanggang 30 araw lamang, mula ng natanggap ang liham, upang bayaran ito, kung hindi ay maaari umanong tanggihan ang releasing ng inaplay na uri ng dokumento, na sa liham na ito ay renewal ng permit to stay ng dalawang taon. 

Patunay lamang na ang mga itinakdang bagong halaga ng kontribusyon ay ipinatutupad simula June 9 sa mga magre-renew ng permit to stay at mag-aaplay ng EC long term residence permit at pati rin sa mga renewed permit to stay at EC long term residence permit for releasing simula June 9

 

PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

App sa 10 linguahe hatid ng Lombardy region para sa kalusugan ng mga dayuhan

Ius soli, ipinagpaliban!