Kabilang sa mga susog na nilalaman ng Decreto Salvini ay ang pagtaas pati ng halaga ng kontribusyon sa pag-aaplay ng italian citizenship: mula € 200 ay itinataas ito sa € 250.
Ito ay nasasaad sa letra b ng artikulo 14 ng nasabing dekreto.
Ang karagdagan bang € 50 ay nakalaan rin sa mga aplikasyon na naisumite na?
Ang mga aplikante na nagbayad na ng € 200 at inilakip ang resibo ng pinagbayaran sa aplikasyon ay hindi magdadagdag ng € 50.
Samakatwid, ang nabanggit na € 250 ay para lamang sa mga bagong aplikasyon.
Kailan simulang ipatutupad ang decreto salvini?
Simulang ipatutupad ang decreto salvini matapos pirmahan ng Head of State Sergio Matarella at matapos ang publikasyon nito sa Official Gazette.
Basahin din:
Decreto Salvini, aprubado ng Council of Ministers
Paghihigpit sa Italian Citizenship, nilalaman din ng Decreto Salvini