in

Kontrolin online ang inyong kontribusyon, narito kung paaano

Sa isang mensahe noong Nobyembre 7, 2011, ang INPS ay naghayag ng bagong serbisyo online para sa madaliang konsultasyon ng mga kontribusyon sa domestic job (colf at mga care givers). Narito kung paano.
 

altRome – May ilang araw na ang mga employer ay maaaring konsultahin ang website ng INPS, www.inps.it at makita ang listahan ng kasalukuyang trabaho at pati ng nakaraang limang taon, kasama ang kaugnay nitong kontribusyon.

Ang serbisyo ay magagamit ng sinumang rehistrado online sa INPS (kinakailangan ng pincode). Mula sa homepage ng website www.inps.it ay dapat sundin ang sumusunod na pamamaraan:

Al servizio del cittadino – Authenticazione con PIN /Autenticazione con CNS – Servizi rapporto di lavoro domestico – Estratto contributivo.

Pinapaalala na ang estratto contributivo, ay hindi isang sertipikasyon ngunit mga detalye ng pinagbayarang kontribusyon na naitala sa mga archive ng INPS. Kung mayroong kulang na panahon ay maaaring iulat ang dahilan ng suspension ng pagbabayad ng kontribusyon (maternity, leave na walang bayad, sick leave na mas higit sa babayarn ng CCNL) o ang mga detalye ng pinagbayaran: date, amount, paraan ng payment (postal bill, Mav, on line/ credit card, network ng mga kaibigan).

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Benepisyon rin para sa mga malaking pamilyang migrante na mayroong carta di soggiorno

Asylum papers ni Arroyo, handa na