50% ng mga imigrante, nilisan ang Italya dahil nawalan ng trabaho.
Roma, Mayo 24, 2013 – Pataas ng pataas ang bilang ng mga imigrante na iniiwan ang bansang Italya upang kusang-loob na bumalik sa sariling bansa: noong 2009 ay umabot sa 228 ang bilang ng mga imigrante na tumanggap ng proyektong ritorno volontario assistito o Rva; mula Hunyo 2013 hanggang Hunyo 2014 ay tinatayang aabot sa 1000 ang mga aalis ng bansa. Kabilang sa mga dahilan ay ang pagkawala ng trabaho.
Ayon sa Rete italiana per il ritorno volontariato assistito (Rirva), nabuo para sa promosyon at pagpapatupad ng proyektong RVA, sa tulong ng European fund for repatriation at ng Ministry of Interior. Batay sa mga datos na inilabas ng Rirva, simula 2009 hanggang sa kasalukuyan ay umabot sa 1.961 ang mga bumalik ng sariling bansa; ang 71% ay pawang mga kalalakihan. Ang 55% ng mga ito ay nakatanggap ng tulong sa reintgeration project sa sariling bansa.
Higit sa kalahati ay nagbuhat sa mga bansang Tunisia, Peru, Morocco at ang mga pangunahing rehiyon ay ang Lazio (456), Lombardy (425), Emilia Romagna (189) at Piedmont (152). “Ang 50, 38% – ayon sa project manager ng Rete Rirva, Carla Olivieri sa isang pagpupulong sa Kamara – ay wala ng sapat na requirements upang ma-renew ang permit to stay para sa trabaho, ang 26% dahil sa matinding pangangilangan at kahinaan. Sa huling taon, ang 3.7% ng kabuuan ay tumanggap din sa proyekto na pawang mga undocumented.
Ang desisyon ng pagbablik sa sariling bansa ng mga imigrante, ayon sa pangulo ng Consorzio nazionale Idee in rete, ang nangunguna sa proyekto Rirva, batay sa naging pagsusuri ay nagbabago dahil na rin sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya ng Italya at ang antas ng pag-unlad sa sariling bansa na karaniwang higit kaysa sa Italya”.