in

Kwalipikado ba sa pagtanggap ng social benefits? Narito kung paano malalaman.

Sa website ng Inps ay maaaring kalkulahin kung sa kinikita ay maituturing na mayaman o mahirap ang pamilya sa pamamagitan ng isang simulator na nagpapahintulot makalkula ang sariling Isee.

 

 

Enero 30, 2107 – Sa pamamagitan ng isang simulator ay masusuri kung kwalipikadong makatanggap ng mga social benefits tulad ng bonus bebè, family allowance o assegni familiari, school meal o mense scolastiche, diswento sa mga bills, at marami pang iba. Tunay na mahaba ang listahan kung saan ang benepisyo ay mapapakinabangan. 

Ito ay sa pamamagitan ng tinatawag na ISEE o ang Indicatore della Situazione Economica Equivalente

Ang ISEE ay ang nagsusuri ng sahod at ari-arian ng pamilya, sa sahod na pumapasok sa bank account, sa mga pag-aaring bahay at sasakyan. Isinasaalang-alang din nito ang bilang ng miyembro ng pamilya, pati na rin ang pagkakaroon ng menor de edad na mga anak, kung may kapansanan at karamdaman. Nagpapahintulot din itong itama ang ilang sitwasyon sa ilang patikular na okasyon. Lahat ng ito, upang ibigay ang halagang nagpapahintulot na masuri kung ang pamilya ay may sapat na kakayahang pinansyal o nangangailangan ng tulong buhat sa awtoridad at kinakailangan ang mga social benefits. 

Ilang araw pa lamang ang nakakalipas, ang Inps ay naglagay sa website nito ng isang simulator na nagpapahintulot makalkula ang sariling Isee. “Ito ay nagbibigay ideya bilang gabay at oryentasyon – paliwanag ng tanggapan – na nagpapahintulot na maunawaan ang kalagayang pinanasyal ng pamilya, at upang malaman kung kwalipikado ba o hindi sa pagtanggap ng mga social benefits“. 

Mag-log in lamang sa website ng Inps upang maka-access: www.inps.it at i-click lamang ang direct link na matatagpuan sa homepage, o sundin lamang ang: Servizi online>Accedi ai servizi>Elenco di tutti i Servizi>ISEE post-riforma 2015.

Hindi nangangailangan ng PIN code para magamit ang simulator. 

Paalala: Ito ay isang simulation lamang. Ang opisyla na kalkulasyon ng Isee ay nangangailangan ng pagsusumite ng DSU o Dichiarazione Sostitutiva Unica, kung saan gumagamit ng self-certification para sa sahod at mga ari-arian. 

Para sa opisyla na Isee, gamit ang sariling PIN ay maaaring gawin ito sa pamamagitan ng website ng Inps. Maaari ring lumapit sa mga authorized offices tulad ng patronati at caf. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng sahod sa pag-aaplay ng carta di soggiorno sa taong 2017

Colf, caregivers at babysitters, narito ang halaga ng kontribusyon ngayong 2017