in

La Russa (PDL): Isyu ng citizenship, naglalagay sa panganib kay Monti

“Ang pamahalaan ay dapat matugunan ang mga problema sa ekonomiya. Ang tema ng citizenship ay maaaring talakayin sa susunod na lehislatura. Favorable sa pagbibigay ng Italian citizenship sa mga batang migrante pagkatapos ng sampung taon”

altRoma – Sa isyu ng citizenship ng mga anak ng mga migrante na ipinanganak sa Italya, “maaaring ilagay sa panganib ng mga partido ng kaliwa ang pamahalaan”.

Ito ang mga pananalita ng Coordinator ng PDL at dating Defense Minister Ignazio La Russa.

“Hindi ko hinuhusgahan ang mga pahayag ng Pangulo na si Giorgio Napolitano – ayon kay La Russa -, ngunit hindi ko maaaring hindi ipaalala sa mga partido ng kaliwa na ang gobyerno ni Monti ay dapat pag-ukulan ng pansin ang mga problema sa ekonomiya.” para sa exponent ng PDL “ay maling mali na isiping ipagkaloob ang citizenship dahil lamang sa ipinanganak sa Italya. Ito ay magiging daan upang magtungo sa Italya ang marami upang manganak lamang”.

Para kay La Russa, gayunpaman, ang mga debate sa isyu ng citizenship ay maaaring harapin sa susunod na legislatura at naglahad ng pansariling posisyon. “Tama – paliwanag pa nito – na ang mga batang ipinanganak sa Italya matapos ang sampung taon, panahon ng isang cycle ng pag-aaral, ay maging Italyano. At pagsapit naman ng edad na 18 ay mag-desisyon kung pipiliin ang citizenship ng kanyang mga magulang”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ABS-CBN best TV station ulit!

Phl Embassy Conducts Consular Outreach in Bari, Italy