Hangad ng citizens’ initiative ang labanan at ganap na mahigitan ang batas na Bossi-Fini. Ito ay tumutukoy sa walong mga pangunahing puntos.
Abril 13, 2017 – Inilunsad kahapon sa Roma ang citizens’ initiative na pinangunahan ng Radicali Italiani, Casa della Carità, Acli, Centro Astalli, Cild, A buon diritto, Asgi at Cnca. Ito ay tumutukoy sa walong mga pangunahing puntos upang labanan at ganap na mahigitan ang batas na Bossi-Fini. Ang walong artikulo ay layong mapalitan ang sistema ng pagpasok at paraan ng regularization ng mga dayuhan sa bansa.
Nakatakdang i-file ang citinìzens’ initiative sa Court of Appeals sa lalong madaling panahon upang maitakda ang proseso nito.
Limampunglibo ang kakailanganing pirma sa loob ng anim na buwan upang ito ay makaakyat at matalakay sa Parliyamento.
Partikular, ang mga pangunahing puntos ng citizens’ initiative ay ang sumusunod:
- pagkakaroon ng temporary permit to stay, balido ng 12 buwan para sa paghahanap ng trabaho at maging mas madali ang worker-employer encounter at commercial mediation sa pagitan ng offer at demand tulad ng nasasaad sa Biagi law at Jobs Act (employment center, pribadong ahensya para sa trabaho, bilateral agency, mga unibersidad, at iba pa;
- sponsor system na unang ginawa sa Turco Napolitano law;
- Regularization batay sa indibidwal na sitwasyon ng mga undocumented, kung mapapatunayan ang pagkakaroon ng trabaho sa Italya o ang pagkakaroon ng malalim na relasyon sa bansa at kawalan naman sa sariling bansa tulad sa Spain at Germany. Ang ganitong uri ng dokumento, permit to stay proven integration ay renewable kahit sa kasong mawalan ng trabaho tulad ng permesso attsa occupazione.
- Posibilidad ng conversion ng permit to stay for asylum seeker sa permit to stay for proven integration kahit sa kasong rejected ito ngunit nagkaroon naman ng malalim na integrasyon;
- Pagkakaroon ng bagong standard sa pagkilala sa professional qualification;
- Pagtatanggal sa crime of clandestine immigration;
- Mapakinabangan ang social security;
- Pantay na pagbibigay ng social services at masigurado ang karapatan sa kalusugan.
Sa citizens’ initiative law ay nauugnay ang kampanyang “Ero straniero. L’umanità fa bene.“