Polledri: "hindi tayo tiyak na aakusahan ng rasismo o hindi maayos ang pagtanggap sa mga imigrante"
Roma, Setyembre 14, 2012 – “Ang Italya ay isang malaking bansa, malaya at hospitable. Tiyak na hindi tayo aakusahan ng rasismo o ng kakulangan sa mabuting pagtanggap sa mga imigrante, kung titingnan ang mataas na lebel ng integrasyon sa maraming lugar ng Italya, maging sa mga lugar na nasasaklawan ng Lega.''
Ito ang mga salita ni Massimo Polledri ng Lega Nord.
''Hanggang sa kasalukyan ay hinarap natin ng mahusay ang mga usapin ukol sa karapatan, ngunit kung nais nating tanggapin ang mga imigarnte ay dapat natin itong gawin sa legal na paraan. Ang kriterya ng trabaho – patuloy pa niPolledri – ay nagbibigay-daan upang ayusin ang sitwasyon: maaaring pumasok sa bansa ang mga mayroon lamang trabaho kung hindi ang epekto nito ay babalik sa ating bansa,
sa usapin ng seguridad o ng pangangalaga, at tunay na nakakasira. Ang Immigration ay isang di maiiwasang kaganapan, ngunit dapat na pinamamahalaan ng mabuti.''