in

LEGA: Nais lagyan ng buwis ang mga ipon ng imigrante

Mungkahi ni Buonanno: Kunin ang 1% ng remittances kaysa tulungan ang mga imigrante sa kanilang bansa.

altSa harap ng krisis pati ng halalan, ang partido ng Lega ay nag-iimbento ng buwis na tiyak na hindi ikatutuwa ng kanyang mga tagasunod.

Ang deputee ng Carroccio na si Gianluca Buonanno ay nagmumungkahi na kunin ang 1% ng remittances, ang mga savings ng mga imigrante na ipinapadala sa kani-kanilang bansa. Ayon sa kanyang estima, ang pamahalaan ay makakakuha ng halos 80,000,000 € bawat taon, na gagamitin diumano bilang ‘suportasa mga social services ng mga organisasyon ng boluntaryo sa pakikipagtulungan ng mga lokal na awtoridad. "

Ang pagpapadala ng pera, na nagmumula sa mga kinita sa Italya ng mga imigrante ay kinaltasan nà ng buwis, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kaunlaran ng kanilang mga bansa. Mas malaki kumpara sa mga tulong ng kooperasyong internasyonal, na nakakatulong sa mga pamilya, nakakabili ng mga tahanan o nagiging umpisa ng negosyo, lumilikha sa madaling salita ng mga kondisyon para bumalik o hindi man upang paalisin ang ibang tao.

Ayon kay Buonanno na mukhang hindi kumbinsido, ang mga remittances ay isang paraang mas may mababang halaga para sa Italya para sa slogan ng Lega na  "Tulungan ang mga imigrante sa kanilang tahanan." Para sa kanya, ang mga remittances ay "Pera ring nagmula sa mga consumption at mga ipon ng Italian" at iyon ay sapat na, sa kaniyang mga salita, upang lumikha ng "sa wakas isang buwis na hindi babayraan ng mga Italians."

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PINOY NA NAMATAY, HINIHINALANG NAG-SUICIDE

CHARICE, may second movie project!