in

Lega Nord, mangangalap ng pirma laban sa ius soli

“Ang kailangan ay ang Reconstruction Minitsry at hindi Integration”

Bologna, Mayo 8, 2013 – Ang Lega Nord Bologna ay naglunsad ng isang petisyon laban sa ius soli, citizenship para sa mga anak ng mga imigrante na ipinanganak sa Italya, at ang ideya ng pagtatanggal sa krimen ng pagiging irregular”.

Ang unang araw ng pangangalap ng mga pirma ay nakatakda sa Sabado sa largo Negrisoli mula alas 9 hanggang 12 ng tanghali. Ang Carroccio ay magpupulong ukol sa kahilingan ng “evacuation ng mga gypsies na iligal na nanunuluyan sa isang ospital”, ang pangangalap naman ng pirma ukol sa pagpigil sa kasalukuyang Ministro ng Integrasyon na si Cecile Kyenge sa programa nitong ius soli, bilang isang sanhi diumano ng kaguluhan sa bansa, paliwanag ni Manes Bernardini, ang head ng Lega at responsible sa Security, justice at immigration department sa Munisipyo.

Ayon pa kay Bernardini, “Mali, maging ang ideya ng pagtatanggal sa pagiging iligal bilang krimen, ito ay tanda ng pagiging sibil, tulad rin ng nasasaad sa batas ng France, Germany at UK”.

“Sa halip ng isang ministry na sa panahon ng krisis ay walang naiisip kundi ang payagan ang iligal na pagpasok sa bansa, mas nanaisin namin ang Reconstruction Ministry, na tutuon sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad tulad ng lindol at pagbaha, pagtatapos ni Bernardini – na sinubukan ni Monti at nangangailangan ng kasagutan bago maging huli na ang lahat”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kabayan ko, Kapatid ko!

Paalala ng Embahada ng Pilipinas sa mga Pilipino sa Italya ukol sa pagpapa-utang