Sinusubukan ng mga deputees na sina Bragantini at Vanalli sa pamamagitan ng susog . Kung papasa ang nasabing susog ay titigil ang serbisyo ng 650 workers at magpapabagal sa trabaho ng mga Questure at Prefecture.
Rome – 18 Ene 2012 – Ang 650 workers na nagtatrabaho sa mga Prefecture at Questura upang pangalagaan ang immigration bureaucracy ay natuwa sa pagpasok ng taong 2012 sa isa pang maigsing extension ng kanilang mga kontarata.
Kung walang magiging pagbabago, 30 Hunyo 2012 ay mawawalan muli ng bisa ang kanilang mga kontrata at ang mga tanggapan ay mababawasan ng human resources na kinakailangan sa pagpapatakbo ng mga nasabing tanggapan. Ang epekto nito ay muling babagsak sa mga imigrante at mga employer, na muli ay hahaba ang panahon ng proseso ng mga dokumentasyon. Kasalukuyang hinahanapan ng solusyon upang maiwasan na maparalisis ang mga tanggapan.
Ito ang direksyon ng dalawang susog sa atas ng Mille proroghe, na kung saan ang House ay ginagawa itong ganap na batas. Ang una na inihayag ng mga deputies na sina Maino Marchi, Teresa Bellanova, Donella Mattesini at Carmen Motta. Kung aaprubahan, ay mapapahaba ang extension ng kontrata hanggang Disyembre 31, 2012, na mangangailangan ng pagdodoble ng pondo (mula sa kasalukuyang 10.3 sa 20.7 euro).
Ang mga taga Lega Nord na sina Mateo Bragantini at Pierguido Vanalli ay iba ang opinyon. Extension? Hindi kailangan at sa susog ay nais nilang paigsiin ang kontrata at tanggalin ang extension na inaprubahan ni Monti. Nais nilang pawiin ang atas: “tanggalin ang talata 1 ng Artikulo 15.” Final solution sa problema ng mga walang katiyakang mga manggagawa: Paalam.
Tila hindi nabasa ng dalawa ang report mula sa Interior Ministry kung saan ipinaliliwanag ang pangangailangang tiyakin ang extension para sa “ganap na pagpapatakbo” ng mga tanggapan ukol sa immigration. Sa isang liham ng Interior Ministry ay sinabing: “ang 650 workers ay nakatuon upang tapusin ang kumplikadong regularization, madadagdagan ng mas mabigat na responsabilidad dahil sa Integration Agreement, na magsisimula sa Marzo”.
Ang 650 mga manggagawa, samakatuwid, ay kailangang tapusin ang regularization at umpisahan ang “Integration agreement” . Dalawang bagay na pinirmahan ng Lega Nord noong nasa gobyerno pa. Maaaring nalimutan na ito ng kanilang mga ka-grupo.