Panukalang batas na ang unang signatory ay isang miyembro ng Lega Nord na si Alessandro Montagnoli na pinirmahan rin ng 25 iba pang mga miyembro ng Parliyamento ng Lega Nord.
Roma, Marso 5, 2011 – Ang mga imigrante na walang trabaho ay isang pabigat sa komunidad at patuloy na dumadami sa huling dalawang taon. Para sa mga nawalan ng mga trabaho ay kailangang bawasan ng kalahati ang panahong nakatakda sa listahan sa employment agency (liste di collocamento) mula anim sa tatlong buwan. Matapos ang panahong ito, kung hindi makakahanap ng bagong trabaho ay papatalsikin sa bansa.
Ito ang nilalaman ng isang panukalang batas na pinirmahan ni Alessandro Montagnoli mula sa Lega Nord na pinirmahan rin ng 25 iba pang mga miyembro ng Palyamento mula Lega Nord. Nasasaad rin sa panukala ang paghingi buhat sa mga employer ng mga dayuhang manggagawa ng isang kontribusyong tinawag na perequazione na babayaran sa mga munisipyo, katumbas ng 5% ng labor cost na nakalaan sa mga serbisyo ng welfare.
Ayon sa ulat ng Ministry of Labor taong 2011, sa huling dalawang taon, paalala ni Montagnoli, ang bilang ng mga walang hanapbuhay sa Italya at nadagdagan mula sa 1,700,000 sa 2008 sa higit sa 2 milyong sa taong 2010, at ang porsyento ng mga dayuhang manggagawa ay nagbago ng 60% (104,000). Kung ang paggamit ng mga social safety valves ang pag-uusapan, ang mga dayuhang tumanggap ng benepisyo sa taong 2009 ay tumaas sa 28,9% , isang pagtaas ng 9.6% samantalang ang mga Italians ay 8,3% lamang, samantala ang mga nawalan ng trabaho sa non-agricultural sector ay katumbas ng 65,4% sa kasong ordinaryo at 3.3% sa kasong may binawasang rekwisito.
Ang parehong ulat ang pinuntos ni Montagnoli, naglalaman ng isang estimasyon sa pangangailangan ng manpower sa taong 2010-2020, na batay sa tatlong hypothesis: isang minimum scenario, kung saan ay hindi na kakailanganin para sa susunod na sampung taon ng karagdagang manpower, isang intermediate scenario na nagpapakita ng halos walang kakailanganing manpower para sa taong 2011 at bahagyang pangangailangan sa simula ng taong 2015 (510,000 manggagawa) at ang high scenario, na naiiba lamang mula sa intermediate scenario ng forecast ng demand na bahagyang consistent mula taong 2015 (para sa 840,000).
“Ito ay walang duda – ayon pa kay Montagnoli – na ang mga non-EU nationals ay kumakatawan sa isang mataas na gastusin para sa ating bansa, sa mga tema ukol sa serbisyo, kalusugan at pangkalahatang proteksyon. Para sa mga kadahilanang ito, at dahil sa mga darating na taon ay tinatantya hindi na mangangailangan pa ng mga dayuhang manggagawa at dahil kumakatawan ang mga ito sa mas malaking gastos para sa bansa, ay kinakailangan ang isang kontribusyong perequazione mula sa mga employer ng mga mangagawang nabanggit at isang pagpapababa mula sa anim sa tatlong buwang panahon ng registration sa listahan ng mga walang hanapbuhay ng mga dayuhang manggagawa na mayroong permit to stay.