Ang bagong Pangulo ng Konseho sa kanyang pagsasalita: Ang pagkakatalaga kay Kyenge? Ang ‘hangganan’ ay magiging tulay para sa mga komunidad”.
Roma, Abril 30, 2013 – “Kailangang pahalagahan ang pakikipagtulungan ng mga new Italians,tulad ng pagpapahalaga sa mga Italians na nasa ibang bansa”.
Sa kanyang pananalita kung saan hinihingi sa Kamara ang confidence ( o fiducia sa italyano), si Letta ay inilarawan at pinag-isa imigrasyon sa Italya at ang emigrasyon ng mga Itayano. “Parehong malaki ang maitutulong sa muling pagbangon ng bansa sa malupit na panahong pinagdadaanan nito”.
“Ang pagtatalaga kay Cècile Kyenge – dagdag pa ni Letta, kasabay ng malakas na palakpakan sa loob ng sislid, ay nangangahulugan ng bagong pananaw ng ‘hangganan’. Mula hadlang sa pag-asa, mula dibisyon sa pagkakaroon ng tulay sa pagitan ng mga komunidad. Ang lipunan ng kaalaman at integrasyon ay nagsisimula sa loob ng silid aralan at sa mga unibersidad”.