Isang anunsyo sa web mula sa isang non-profit organization, ang nagpasimula ng tam tam sa buong Europa. Sinisiyasat ng mga pulis upang malaman kung ito ay isa lamang maling pagkakaunawa.
Roma – Marso 20, 2012 – Walang regularization sa kasalukuyan, ngunit ang pag-asa ay nananatili at hindi nawawala. Sa katunayan, kahit na libo-libong mga milya ay tatahakin upang makakuha ng isang permit to stay sa Italya.
Tanungin ang daan-daang mga Tunisians na dumagsa kahapon ng umaga sa Roma sa Viale Manzoni, sa multiethnic quarter Esquiline, at pinaniwalang ito na marahil ang kanilang pagkakaton. Isang bagay na nakatawag-pansin ng mga pulis na naging dahilan upang i-block off ang sidewalk.
Nagsimula ang lahat sa isang anunsyo sa web mula sa isang non-profit organization sa Roma, na (sa isang € 20 fee para sa pagpapatala) nangangakong susubaybayan ang dokumentasyon para sa isang humanitarian permit to stay. Ito ay isang uri ng dokumento na ipinagkaloob ng Italya sa mga North Africans na dumating sa bansa noong 2011, ngunit itinanggi sa mga dumating matapos ang itinakdang panahon.
Ang balita ay mabilis na kumalat at sa pasalin-salin nito ay naging isang ganap na regularization. Daan-daang mga Tunisiano ang pumila sa harapan ng tanggapan ng non-profit organization, may dala-dalang 20 euro sa paghahangad ng isang regularization.
“Sila ay dumating mula sa lahat ng dako ng mundo, mula sa Pransya, Alemanya, Europa upang humingi ng permit to stay,” paliwanag sa Messaggero ng interpreter na si Ouiem Abid. Ang mga pulis sa sinira ang kanilang mga pangarap at naglunsad ng mga imbestigasyon sa non-profit organization, upang alamin kung isang maling pagkakaunawa o tunay na isang anunsyo na nangangako ng isang bagay na hindi maaaring ibigay sa kasalukuyan.