in

LIBRENG KURSO NG ITALIAN LANGUAGE, PAGHAHANDA SA EXAM

Asosasyon : Kinakailangan ang sapat na pondo. PD: maraming tungkulin, iilang karapatan

Mula noong nakaraang Dec 9 ay naging obligado na ang Italian language exam para sa mga dayuhan na nais na makakuha ng residence permit.

Makalipas ang ilang linngo ay marami pa rin ang mga kontrobersiya tungkol sa kung paano makakakuha ng pondo ang pamahalaan.

Ayon sa Francis Florenz, Chairman ng Unieda (Unione italiana degli educazione degli adulti) ‘Muli ang Italya ay kumilos ng negatibo, dahil sa maling pagsusuri ng mga karaniwang paraan na walang katiyakan at burukrasya’

‘Ang mga kurso ay tinanggihan, pati na rin ang aksyon ng libu-libo ng mga boluntaryo at mga association’ ayon sa presidente ng Unieda  ‘Ang nag iisang solusyon ay ang pagbibigay ng isang pambansang pondo upang suportahan ang mga asosasyon na boluntaryong kumikilos para sa integrasyon ng marami ng taon’.

Ayon kay Senador Di Giovan Paolo ng PD (Democratic Party), bilang karagdagan sa mga hinaing ng mga asosasyon, ay nagparatang ‘Ang pamahalaan ay nagbibigay sa mga imigrante ng maraming mga tungkulin ngunit nagbibigay ng iilang mga karapatan, ang Italian language exam ay isa lamang sa mga ito’.

Upang maging isang tunay na bansa ng Europa, ayon kay Secretary ng Commission ng European Affairs ng Democratic Party, ‘maaaring masiguro ng buong buo ang integrasyon, sa pagpapahintulot sa lo jus soli at ang karapatan ng pagboto sa lokal na halalan para sa mga residente ng mahabang panahon at nagbabayad ng mga buwis‘.

Pareho ang opinyon ng Italia dei Valori, ayon kay Orlando at Pedica ‘Ang anomalya ay nasa pagpapatupad ng Italian language exam na kulang ng detalyadong paraan ng pag aaral nito at pagsasailalim sa mga pagsasanay’.

Ayon sa Party head ng Italia dei Valori  sa foriegn commission  ‘Ang  kakulangang ito ay nagtutulak sa pagkundena sa isang pamahalaan na bukod sa paghahasik ng isang pulitika ng pagtanggi at pag sasantabi sa mga migrante, hindi kumilkilos ang pulitika ng pagtanggap at pag reregular sa mga migranteng may sapat na dokumentasyong hawak upang magkaroon ng permesso di soggiorno..

Ayon kay Pedica ng Italia dei valori  ‘Ang tanging solusyon ay maaaring ang pagbibigay ng mga libreng inisyatiba ng bawat munisipyo na magbigay ng mga pagsasanay na kinakailangan upang maipasa  ang nasabing test’

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAGSABOG SA ISANG SIMBAHAN SA SULU SA ARAW NG PASKO

GABI NG PARANGAL NG 36th MMFF, GINANAP