“Tanggapin ang mga dayuhang mag-aaral sa pinaka mabuting pamamaraan”
Lahat ng paaralan ay nararapat na maging bahagi at maging pinaka mahusay na istrumento ng kultura ng integrasyon, upang maging handa sa pagtanggap ng mga dayuhang mag-aaral. Ito ay isang pangangailangan, na lalong pinagtibay sa pamamagitan ng isang bagong layunin ng mga paaralan, sa pagbibigay ng isang sertipikasyong naaayon sa kaalaman sa wikang italyano ng mga imigrante.
Ito ay ang mga pangungusap ni Flora Longhi. Principal ng paaralang ‘Carlo Pisacane’, sa kanyang pagsasalita sa ‘Roma Futura, un’idea di citta’ in corso di svolgimento’, isang convention na ginanap sa Quaroni Eur Spa.
“Ito ay ang tunay na kahulugan sa mga aksyon ng pagbabahagi ng mga dayuhang mag-aaral sa mga paaralan upang maiwasan ang konsentrasyon nito”. Ang proyektong ‘Fratelli d’Italia’- sabi pa ni Longhi – ay ito ang direksyon, kaakibat ng mga aksyon tulad ng cultural mediation at pagtuturo ng wikang italyano, edukasyon sa pagiging isang tunay mamamayan lalong higit na napaka halaga sa ikalawang henerasyon para sa isang tunay na integrasyon.