Ang decree-law ng bagong gobyerno ay nagbigay daan sa mga pagbabago ng Immigration law (Testo Unico), na nagpapaliwanag na sinumang humiling para sa issuance o renewal ng permit to stay ay isang regular na migrante (maliban na lamang sa katibayang magiging taliwas dito). Kung tatanggihan ng mga pulis ang request, kailangang abisuhan ang employer.
Rome – Ang “Save Italy Decree” na inilunsad kamakailan ng pamahalaan ni Monti ay opisyal na inihayag na ang sinumang naghihintay ng releasing ng issuance o renewal ng permit to stay ay isang legel na migrante. Samakatwid ay maaaring mag-umpisa sa trabaho tulad ng lahat ng mga dayuhang may valid permit to stay.
Magmula 2006, salamat sa isang direktiba ng nakaraang Interior Minister Giuliano Amato, ay binigyang importansya ang tinatawag na ‘cedolino’, o ang resibo na sa loob ng maraming buwan ay patunay na nag-request o nag-renew ng permit to stay.
Kung ang mga tanggapang ng public administration ay nahirapang matutunan upang kilalanin ito, hindi ibig sabihin na pareho ang sitwasyon para sa mga pabrika at mga pamilya, na karaniwang nagdududa kung maaaring mag-trabaho ang magagawang may expired na permit to stay.
Upang alisin ang mga pagdududang ito, isang pagbabago sa Testo Unico sull’Immigrazione ang nakasaad sa artikulo 40 ng bagong mga panukala sa ekonomiya (manovra), kabilang sa mga “pagbabawas ng administrative tasks” (adempimenti amministrativi).
Sa huling teksto na nilagdaan ni Napolitano kahapon ay mababasang “ang sinumang naghihintay ng releasing o renewal ng permit to stay, ay migrante na maaaring legal na manatili sa bansa at maaring pansamantalang magtrabaho”. Ito ay hanggang “isang komunikasyon mula sa mga pulis, upang abisuhan maging ang employer, na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng mga hadlang sa releasing o renewal ng permit to stay”.
Upang samantalahin ang pagkakataong ito, ang empleyado ay maaaring gumawa ng request para sa first issuance ng permit to stay matapos pirmahan ang ‘contratto di soggiorno’ o maaaring nag-request ng renewal sa loob ng 60 araw mula sa expiration ng nasabing dokumento. Upang patunayan ito, maaaring ipakita ang resibo ng request, kung saan ang petsa ay matatagpuan.
Ngunit ang lahat ng ito ay hindi nagmula kay Monti o sa ibang propesor, bagkus ay nilalaman na sa draft ng mga panukala ni Berlusconi na hindi kaylanman ipinatupad. Sa ngayon ay ganap ng isang batas na nagbibigay ng kasiguruhan sa libu-libong mga migrante na kasalukuyang may hawak lamang na ‘cedolino’.