in

MAGDALENO RABENA, binisita ng Ambassador sa Empoli

altIsang mainit na pagtanggap mula sa maybahay at anak ni Magdaleno Rabena ang sumalubong sa ating Ambassador na si R. Manalo sa pagbisita nito sa tahanan sa Empoli ng mag-anak. Naging emosyonal  naman si Rabena ng sya ay yakapin ng bisita.

Nasa isang malubhang kondisyon si Rabena, 70 taong gulang, at ang kawalan ng permit to stay nito ay nagtatanggal din ng karapatan upang makatanggap ng medical assistance.

Si Magdaleno Rabena, matapos ang isang aksidente ilang taon na ang nakakalipas ay naging dahilan ng pagkakalubid nito sa karamdaman. Isang sentensya mula kay Giudice Domenico Paparo ng Tribunale ng Firenze ang lumabas kamakailan ukol sa pagkakansela sa isang resultang negatibo  sa request ng petisyon (o recongiungimento familiare) noong nakaraang 28 ng Mayo ng anak na si Remedios Rabena para sa amang si Magdaleno Ravena.

Ang karamdaman ni Rabena ay hadlang sa isang mahabang biyahe ng pag-uwi sa Pilipinas upang sundin ang tamang paraan ng petisyon tulad ng hinihingi ng batas. Ang kaso ay kinailangang umabot sa European Parliament upang makuha ang atensyon ng Ministry of Interior upang makamit ang permit to stay na motibong pang pamilya kay Rabeno ng hindi na kailangang lisanin pa ang Italya.

Ang mabilis ang pagkilos ng Associazione Nazionale Italo-Filippina ‘giustizia e Diritto’ at ng Konsulado sa Firenze, ay naging instrumento upang makamit ang permit to stay ni Rabena at dahil dito ay regular ng natatanggap ang tulong medikal gayun din sa iba pang mga pangangailanagn tulad ng wheel chairs, gamot at marami pang iba.

Ngunit hindi natatapos dito ang hamon sa buhay ni Rabena, sa tulong pa rin ng asosasyon, ay hihingi ng EC long term residence permit (o carta di soggiorno) upang makamit naman ang tulong pinansyal nito.

Maging matatag ka, hindi ka namin pababayaan” mga pangungusap na ibinulong ng Ambassador kay Rabena bago nito lisanin ang kanyang tahanan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

EKONOMIYA NG PILIPINAS? MIGRASYON….

BAKIT SUPORTADO NG MAYORYA ANG RH BILL?