in

“Maging Italyano sa mabilis na paraan”, mula sa Marches, isang bill para sa ikalawang henerasyon

Inaprubahan noong Lunes ng Konseho ng Marches ang teksto na magbibigay ng citizenship ayon sa ius soli temperato.  Maging ang diyosesis ng Milan ay nanawagan para sa isang reporma.

altRoma, Abril 4, 2011 – Madaling citizenship para sa ikalawang henerasyon, sa pamamagitan ng ius soli, kahit pa “temperato”.

Ito ang nilalaman ng bill, na inisyatiba ng Rehiyon na kahapon ay sumailalim sa botohan sa Konseho ng Marches. Ang dokumento ay sasailalim sa pagsusuri ng Legislative assembly at, kung maaprubahan, ay ilalahad sa Kamara.

Ang bill ay naglalayong mapadali ang pagbibigay ng citizenship sa mga anak ng mga imigrante na ipinanganak sa Italya, sa kahilingan ng mga magulang, kahit isa lamang sa mga magulang ang regular na naninirahan sa bansa sa loob ng limang taon. Kapag sumapit sa takdang edad, 18 anyos, ang kabataan mismo ang maaaring magtanggi, kung kanyang nais, sa Italian citizenship. Sa kawalan naman ng isang pahayag ng mga magulang ay maaaring magkaroon ng citizenship sa pamamagitan ng aplikasyon sa loob ng isang taon pagdating ng takdang edad.

“Ang bill na ito ay magpapahintulot,  ayon kay Assessor of  welfare Luca Marconi – upang alisin ang kawalan ng katarungan sa lipunan sa ating bansa at kaagapay nito ang tunay na pagtangkilik sa proseso ng pamumuhay ng sama-sama, sa matagal ng panahon kahit iba ibang bansa ang pinagmulan.  Ang Migration ay hindi na dapat ituring bilang isang pambihirang kaganapan kundi isang kaganapang nauugnay sa

pangangailangang magtaguyod, sa pamamagitan mismo ng mga imigrante, ng isang matibay na pundasyon sa teritoryo, sa lipunan, sa kultural o sa ekonomiya man. “

Ang apila ng diyosesis ng Milan
Noong Lunes, ang diyosesis ng Milan ay hiniling sa pulitika ang reporma sa batas ng citizenship.

Ang dokumento, bilang resulta ng trabahong sinimulan noong Hunyo 5 noong nakaraang taon na may temang: Ang mga migrante: para sa ispiritwal at sa kultura ng pamumuhay ng sama-sama,  inilunsad ng Pastoral Council ng Archdioces ng Milan at umabot sa konklusyon na “kailangan, bilang isang komunidad ay harapin ang hamon ng imigrasyon hindi lamang sa mga charitable at emergency actions ngunit lalong higit sa edukasyon, kultura at spiritual missions.

Partikular, ang Diocesan Pastoral Council, sa isang open letter ay nananawagan sa mga pulitiko upang kanilang isulong ang reporma sa mga tuntunin sa pagkakaroon ng Italian citizenship, sa pagbibigay nito sa mga batang ipinanganak sa Italya, na hindi kailangang hintayin ang pagsapit ng ika-18 taong anyos ng mga ito, at pagtatanggal sa mga limitasyon at di pantay na mga karapatan at di maipalinawag na mga dahilan lalong higit sa mga batang simula sa kapanganakan ay namuhay ng sibil at bahagi ng sosyedad.

Ang Apila “ay hindi naglalayong magpahiwatig ng mga legislative solutions ngunit naglalayong harapin ang tema at malampasan ang di makarungang sitwasyon ng paghihintay hanggang sa edad na 18 ng mga dayuhang ipinanagnak sa Italya upang maging isang ganap na Italyano”.  

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Self-defense training for women, sinimulan sa Roma

Pitong taong pagkakabilanggo sa Pinoy na pinagsamantalahan ang sariling anak