in

Mainam na hintayin ang publikasyon ng dekreto bago magbayad ng 1,000 euros

Ang Implementing rules and guidelines na batayan ng mga detalye ukol sa regularization ay hindi pa inilalathala sa Official Gazette. Mainam na hintyain ang publikasyon nito bago ang pagbabayad ng kontribusyon ng 1,000 euros.  

Roma – Setyembre 7, 2012 – Kailangan munang malaman ang detalye bago ang pagbabayad. Ang interministerial decree ukol sa regularization ay tila nakikipagtaguan. Mainam na isara muna ang mga ‘wallet’ at hintyain ang paglalabas ng anumang halaga.

Noong nakaraang  Biyernes, ang Internal Revenue o Agenzia dell’Entrate ay ipinalabas ang mga code na kinakailangan sa pagbabayad ng form F24 para sa 1,000 euros. Ang code at ang instruction ay nilalaman ng isang resolution, sang-ayon sa “dekreto ng Ministry of Interior ng August 29, 2012”, kasama ang mga Ministries of labor, integration at budget.

Ngunit ang nabanggit na dekreto ay hindi pa inilalathala sa Official Gazette. Hanggang kahapon, Sept 6, (at hanggang sa kasalukuyang isinusulat ang balitang ito)  kahit pa na ang mga code para sa pagbabayad ay aktibe na simula ngayong araw na ito Sept 7. Isang detalyadong impormasyon ngunit hindi pinal ang umiikot sa mga araw na ito, ngunit dahil sa ito ay nagtataglay ng ‘importanteng detalye’, mainam na hintayin ang pagiging opisyal nito upang maunawaang mabuti kung sino at kung paano ang pagiging ‘qualified’ sa nasabing sanatoria.

Ang  lahat: mga manggagawa, pamilya, kumpanya at lahat ng nagnanais tumulong sa pagsusumite ng aplikasyon tulad ng patronati, mga association at job consultants. Isang bagay pa lamang ang siguro sa mga sandaling ito. Habang hindi pa lumalabas sa Official Gazette ang interminiterial decree, ay mainam na panatiling nasa bulsa ang 1,000 euros.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1 kabataang Pinoy, nahuli sa pagnanakaw ng backpack

Implementing rules and guidelines, lalabas sa Official Gazette ngayong araw