in

Maitatala rin sa SSN ang mga matatanda na dumating sa Italya dahil sa family reunification

Ang hukuman ng Milan ay tinanggap at sinang-ayunan ang apila ng 4 na asosasyon at inatasan ang Lumbardy Region na magtalaga ng isang halaga para sa pagpapatala sa SSN. Naga, ASGI, Avvocati per Niente e Anolf-Cisl Milano: “Hindi na nilabag ang karapatan sa kalusugan”

Roma – Dec 6, 2012 – Kahit na ang mga magulang na higit sa 65 anyos ng mga non-EU nationals, na pumasok sa Italya dahil sa family reunification, ay may karapatang magpatala sa SSN (National Health Service), matapos ang isang maliit na kontribusyon. Ang hukom ng Milan ay itinalaga kahapon na ang pagkakait sa kanila ng pagkakataong ito ay discriminatory, tulad ng naganap sa Lumbardy.

Isang pagbabalik-tanaw. Noong 2008 ay ipinatupad ang mas mahigpit na prosedura para sa family reunification, isa sa mga ito ay ang obligahan ang mga over 65 yrs old na dumating sa Italya na magbayad ng health services. Dalawa umano ang option, ayon sa batss (d. lgsl. 160/2008), ang magpatala sa SSN kapalit ang isang kontribusyon, o ang kumuha ng health insurance.

Ang pamahalaan ay hindi kaylanman nagpasya kung magkano ang kontribusyon sa pagpapatala sa SSN (kakailanganin ang isang partikular na dekreto), sa Emilia Romagna at Veneto ay nagtalaga ng kanilang sariling rate. Samantala sa insurance, sa kasamaang palad, ay mahirap humanap ng insurance company na mag-i-insured sa mga matatanda na darating sa Italya (karaniwang may karamdaman), kung hindi sa mataas na halaga kapalit ng karapatan sa kalusugan.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga asosasyon tulad ng Naga, ASGI, Avvocati per Niente at Anolf-Cisl Milano ay naglahad ng apila laban sa pagkaka-antala ng Ministri at ang pagkabigo upang magpatibay ng mga panukala sa Lumbardy Region. Kahapon ang Hukuman ng Milan ay pinaburan ang mga ito.

"Ang naging kasagutan ng Lumbardy Region at ng Ministry of Health – ayon sa mga signatories ng apila – ay labag sa batas at naglalarawan ng diskriminasyon ng mga dayuhan dahil sa hindi paggalang sa prinsipyo ng konstitusyon sa hindi pagtatalaga ng karapatan sa kalusugan bilang mahalagang karapatang pantao – gayun din ng lahat ng ibang apektado ng ganitong mga sitwasyon – ay tinanggalan ng pagkakataong magpatala sa SSN: ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay na na ayon sa batas, ay nilabag. "

Ang Labour Court ng Milan ay sumang-ayon din, at hinayag ang pagiging discriminatory ng aksyon ng Ministry, na hindi ipinatupad ang pinagtibay na dekreto, at inatasan ang Lumdardy Region upang maging posible ang pagpapatala sa SSN sa mga aplikante sa pamamagitan ng pagbabayad ng kontribusyon, tulad ng ginagawa na sa maraming Rehiyon.

 “Gagawin namin upang ang prinsipyo ay maipatupad sa lahat ng mamamayan sa kanilang kundisyon at ang kanilang karapatan sa kalusugan ay hindi malabag sa Lumbardy” ang ipinapangako sa mga kinatawan ng mga asosasyon. Sinisigurado rin: "Ngayon, salamat sa pahayag na ito, ay ipinapaalam sa lahat ng mga dayuhan na darating sa Italya dahil sa family reunification ay ang mapakinabangan ng kumpleto ang serbisyo ng SSN”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagyong Pablo, patuloy ang pagsalanta

Baby blues, karaniwang biktima ang mga imigrante