in

Makabuluhang pagbabawas sa bagong buwis ng mga permit to stay, pinipilit gawin ng pamahalaan

Ayon kay under-secretary Ruperto: “Pinag-aaral naming mabuti ang exemptions base sa kita at bilang ng mga miyembro ng pamilya. Makatwirang mag-ambag sa mga gastusin ng permit to stay , ngunit bakit dapat pagbayaran ng mga regular ang expulsions?”

altRome – Enero 9, 2012 – Ang tanggalin ang bagong buwis sa issuance at renewal ng mga permit to stay ay tila mahirap, lalo na sa maikling panahong nalalabi. Dapat baguhin ang Security law ng 2009, na nag-istabila nito at marahil ay ipagsasapalarang iharap ito sa parlyamentaryo laban sa Lega Nord at PDL.

Samantala, ang Pamahalaan ay pinipilit na mabawasan ang pagkabigo. Isang hangarin bago umpisahang ipatupad ang nasabing atas na nilagdaan ni Maroni at ni Tremonti.

“Simula sa mga susunod na araw, ay susuriin, kasam ang Ministri ng Ekonomiya, ang posibilidad na makabuluhang mabawasan ang halaga ng buwis, gayun din ang anumang exemptions base sa kita o komposisyon ng pamilya,” pagpapaliwanag noong nakaraang Huwebes ni Under-secretary Saverio Ruperto.

Ang muling pagsusuri ng buwis ay dapat na protektahan ang mga dayuhang mababa ang kita at mayroong malaking pamilya. Ang bagong Executive ay tila desidido sa hindi makatarungang paghingi ng kontribusyon mula sa mga nagmamay-ari ng permit to stay bilang pondo para sa expulsions.

“Isang bagay – dagdag pa ni Rupert – at wasto ang paghingi ng kontribusyon para sa mga administrative expenses na may kaugnayan sa issuance ng permit to stay at ng iba pang mga gawain na may kinalaman sa pamamahala ng imigrasyon,  sa halip ang magpatupad ng bagong buwis na magmumula sa mga regular na dayuhan upang magamit sa expulsion ng mga iligal na dayuhan ay ibang usapan”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

P680M para sa Metro Manila flood control projects

Mga ahensya ng money transfer sa Italya, 34,000 na!