in

Malaking public competition para sa guro, kabilang ang mga imigrante

Ang malaking bahagi ng bilang ng mga imigrante na nagtataglay ng carta di soggiorno ay maaaring lumahok sa super public competition para maging guro sa nursery, elementary school, junior at senioe high school. 

 

Roma, Marso 2, 2016 – Higit sa animnapung libong mga employee bilang teachers sa nursery, elementary school, junior at senior high school ang hatid ng super public competition para sa edukasyon ang inaprubahan ng gobyerno. Ito ay inaasahang magbibigay ng trabaho sa maraming guro at sa pagkakataong ito ay maaari ring lumahok ang mga imigrante.

Sa paghahanda ng requirements ng nabanggit na public competition, bilang pagsunod sa batas ng pagbubukas sa mga imigrante sa public employment ay isinama ng Ministry of Education ang mga imigrante. Sa lahat ng ‘bandi’ na inilathala kamakailan ay makikitang nakasulat sa aplikasyon na dapat tukuyin ang pagiging Italian citizen o pagiging European o ang pagkakaroon ng “kundisyon na nababanggit sa artikulo 7 ng Batas Agosto 6, 2013 bilang 97”.

Sa mga “kundisyon” na nabanggit ay kabilang ang mga non Europeans. Sa katunayan ay kabilang ang mga miyembro ng pamilya ng Europeans, ang mayroong status bilang refugee o international protection at higit sa lahat ang malaking bahagi ng mga carta di soggiorno holders, isang uri ng dokumento na tinataglay ng hgiit sa kalahati ng bilang ng mga regular na imigrante sa bansa.

Matatandaang sa nakaraan ang Minsitry of Education ay hindi isinama ang mga imigrante. Noong 2012, isang public competition para sa mga guro ang inilathala kung saan nasasaad na kabilang lamang ang mga Italians at Europeans Isang hatol buhat sa hukom ang nagsabing isang diskriminasyon ito at isang kabataang imigrante (Croatian) ang nakabilang sa public competition. Samantala, noong 2014, isang public competition naman para sa mga segretarya at janitors ang inilathala. Matapos ulit ang hatol ng diskriminasyon ay muling itinama ang public competition. Sa pagkakataong ito, lahat ay sinimulan at tila magtatapos ng walang anumang hatol ng pagkakaroon ng diskriminasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gobyerno nananatiling tahimik sa buwis ng mga permit to stay

Balota ng registered overseas voter sa pamamagitan ng koreo, paano?