“Ang Italya ay nangangailangan ng kontribusyon ng mga regular na imigrante upang mapanatiling balanse ang pension system ng bansa”.
Hulyo 21, 2017 – Ito ang binitawang salita ng presidente ng INPS, Tito Boeri, sa isang pagdinig sa Palazzo San Macuto. “Mayroon tayong 3 milyong regular na imigrante na nag-aambag taun-taon sa INPS – paliwanag niya – ipinararating namin ang mensaheng ito sa atensyon ng publiko sa panahong lahat ay nakatuon na lamang sa mga pagdagsa ng mga refugees. Totoong ito ay isang suliranin. Ngunit ako ay naniniwala na ang sinumang nasa puso at nagmamalasakit sa kinabukasan ng sistema ng ating social security ay hindi maaaring hindi ilabas ang katotohanang ito”.
Ipinaliwanag din ni Boeri na ang “emerhensya ng pagdagsa ng mga refugees ay hindi nagsimula ngayon at hindi rin mabibigyang solusyon sa maigsing panahon. Ito ay isang sitwasyon na maaaring magpatuloy. Ang problema ay kailangang seryosong harapin mula ngayon. Sa kasamaang palad, pinagdudusahan natin ang mga epekto ng imigrasyon ng hindi tinatanggap ang benepisyo nito”.
“Ayon sa datos ng Inps – ayon pa kay Boeri – ang mga regular na imigrante ay nagbabayad ng 8 billion euros social contribution taun-taon at nakakatanggap lamang sila ng 3 billion sa pamamagitan ng pension at ibang social benefits. Samakatwid ay mayroong 5 billion pang natitira. Normal na isasama sa kalkulasyon ang kanilang pagtanggap ng mga benepisyo at pensyon sa hinaharap. Ngunit totoo rin na ang kontribusyon ng mga imigrante ay hindi naibibigay bilang pensyon sa maraming kaso. Sa katunayan, ang kalkulasyon ay halos isang punto ng gdp (o pil) ang kanilang ibinibigay sa social contribution ngunit hindi sila ang tumatanggap ng pensyon. At taun-taon ang kontribusyong ito ng mga imigrante ay umaabot sa 300 million euros na ibinibigay sa kaban ng Inps ng mga imigrante”.