in

Manggagawang migrante: underemployed ngunit overqualified

Research ng ACLI Iref. “Mga manggagawang migrante, mas mababang trabaho at mas mababang  kita kahit na mayroong mga kredensyal upang makakuha ng mas mahusay na trabaho”

altRoma – Mas mataas na pinag-aralan para sa uri ng hanapbuhay: ito ang karanasan ng mga migrante sa ating bansa, ayon sa pananaliksik ng Iref, ang mananaliksik ng asosasyon ng mga Kristiyanong Manggagawang Italyano, na inilahad ngayon ng ACLI sa Castel Gandolfo, sa okasyon ng ika-44 na Pambansang Pagpupulong ukol sa mga pag-aaral at pananaliksik sa isyu ng ‘Labour division’.Ang dalawang elementong ito, ayon sa ACLI, ay nagpapahiwatig ng kabiguan ng isang merkado upang pahalagahan ang yaman at kapasidad.

Ang mga imigranteng tinatawag na ‘sottoccupati’ (o underemployed) nangangahulugang nagtatrabaho ng mas mababa kaysa sa oras na maaari nila o nais na gawin) at sovra istruiti (over qualified) nangangahulugang mas mataas ang degree sa uri ng trabaho) ng higit sa mga italians.

Ang Underemployment ay sumasaklaw ng 4% sa mga manggagawang Italyano, habang sa mga dayuhan ay mas mataas ng 10%. Ang porsyento ng over-qualification sa mga Italians ay 19%. Samantalang sa mga dayuhan ay higit sa 42%. “Sa ngayon ay matatagpuan sa Italya ang modelo ng mga dalubhasa, ayon sa ACLI, ng dayuhang mga manggagawa sa mas mababang sektor ng merkado: ang mga imigrante ang pinaka-disadvantaged at mas mababang kita kahit na mayroon silang mataas na edukasyon at mga mga kredensyal upang makakuha ng mas mahusay na trabaho”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano makakapasok sa Italya sa pamamagitan ng vocational course o stage?

Paano makakapasok sa Italya sa pamamagitan ng vocational course o stage? (Part II)