in

MANNY PACMAN PACQUIAO, immortal sa larangan ng boksing

Sa harap ng 41,734 crowd sa Cowboys Stadium kahapon sa Arlington Texas, ginulpi nang husto ni Pacquiao ang hindi hamak na mas malaking si Antonio Margarito.  Tulad ng inaasahan, hindi malaman kung saan nanggagaling ang mga suntok ni Pacquiao. Mabibilis, sunud-sunod na rapido. Mula opening bell hanggang dulo, tulad ng pangako ni trainer Freddie Roach, hindi nilubayan ng Pambansang Kamao ang Tijuana Tornado.
Dahil dito, ilang ulit nilingon ng congressman ng Sarangani si referee Laurence Cole sa 11th round, parang isinesenyas na itigil na ang laban para matapos na rin ang paghihirap ng Mexican. Pero itinuloy ang bakbakan, kahit wala ni katiting na tsansa si Margarito para manalo.Pinatunayan ni Pacquiao ang pangalan bilang best fighter ng buong mundo sa pamamagitan ng dominasyon sa mas mabagal na kalaban.
Walong world titles sa walo ring weight divisions.
Panghuling idinagdag ng Pambansang Kamao sa kanyang resume ang bakanteng WBC super welterweight crown.
Isa-isa namang tinuhog ni Pacman ang mga titulo ng WBC flyweight, IBF junior featherweight, Ring Magazine featherweight, RM/WBC super featherweight, WBC lightweight, IBO junior welterweight, at WBO super welter.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy, Sali na!!!

GIANMARCO, sa zecchino d’oro!!