Ang click day ng Decreto Flussi 2023 ay March 27. Samakatwid, ang pagpapadala ang aplikasyon ng nulla osta al lavoro o work permit ay magsisimula ng 9:00 am ng March 27, 2023.
Ang mga aplikasyon ay ipapadala online, sa pamamagitan ng website na inilaan ng Ministry of Interior. (https://portaleservizi.dlci.interno.it/AliSportello/ali/home.htm)
Ang lahat ng mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang December 31, 2023 at ang mga ito ay ipoproseso batay sa pagkakasunod-sunod ng pagdadala ng mga ito.
Bilang pre-requirement para sa pagsagot sa form at pagpapadala nito online ay ang pagkakaroon ng SPID.
Sinimulan noong January 30 hanggang March 22, 2023 ang pagsagot sa mga forms sa website ng (https://portaleservizi.dlci.interno.it/AliSportello/ali/home.htm). Accessible ang platform araw-araw, mula Lunes hanggang Linggo, mula 8:00 am hanggang 8:00 pm.
Upang maging mas mabilis ang pagsusuri sa mga aplikasyon, ngayong taon ay posible ang mag-attach o maglakip ng mga kinakailangang dokumento. Ito ay upang pahintulutan ang mga Sportelli Unici na simulan ang pagsusuri at hindi na kailangang ipatawag ang mga aplikante para sa presentasyon ng mga dokumentasyon.
Kabilang sa mga dokumento na maaaring i-attach sa aplikasyon ay ang tinatawag na ‘asseverazione’ o ang dokumento kung saan pinatutunayan ng mga professional figures tulad ng employment consultant, accountant, abogado o mga organisasyon ng employer, ang pagsunod sa mga kondisyong kontraktwal na hinihingi ng kasalukuyang batas para sa hiring ng mga dayuhang manggagawa.
Narito ang mga kinakailangang dokumento sa pagpapadala ng aplikasyon ng nulla osta al lavoro
- balidong pasaporte ng dayuhang manggagawa;
- valid identity card o pasaporte ng employer sa Italya o ng legal na kinatawan;
- personal datas ng employer (tel number, Partita IVA, PEC address at email address).
- Certificato di idoneità at address ng titirahan sa Italya ng worker;
- Marca da bollo €16;
- Detalye ng employment contract: CCNL, antas atlebel , lingguhang oras ng trabaho;
- kasalukuyang bilang ng mga empleyado ng kumpanya (upang ma-verify kung ang employer ay may kakayahang pinansyal para bayaran ang lahat ng mga empleyado);
- awtorisasyon ng employer at (privacy);
- Certificate ng Chamber of Commerce ng employer o visura camerale del datore di lavoro, na naglalaman ng mga personal, legal, fiscal at economic information na isinumite sa Chamber of Commerce ng bawat kumpanyang nakarehistro sa Italian Business Register.
- DUCR (dokumentong kinakailangan upang i-verify ang regularidad ng mga kontribusyon) maaaring hingin sa pamamagitan ng INPS o INAIL website gamit ang codice fiscale;
- Modello UNICO 2022 form (dichiarazione dei reditti ng employer);
- Financial statement o bilancio ng kumpanya para sa taong 2022;
- Detalye ng Italian Embassy sa country of origin kung saan mag-aaplay ng entry visa;
- ANPAL form ng employer. Ang pinakabagong requirement ng decreto flussi.
Basahin din:
- Narito ang detalye sa bilang ng Decreto Flussi 2023
- Decreto Flussi 2023:Ano ang dapat gawin ng employer bago magpadala ng aplikasyon ng nulla osta?