in

Marchetto: “Ang mabubuting kristiyano ay tumatanggap sa mga dayuhan”

Panayam kay dating papal secretary. “Paurong na pagtingin sa mga asylum at rom”.

Roma – Ang Europa ay nagkakaproblema sa pagtanggap sa mga dayuhan at ang bansang Italya naman ay paurong sa pagkilala nito. Ugaling walang kinalaman sa christian identity at ang sinasabi ng gobyernong Italyano, dapat itong ipagtanggol. 

Si Mons. Agostino Marchetto, edad 70, isa sa siyam na nangunguna bilang kalihim ng Pontifical Council for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People. Itinuturing na “immigration Officer” sa Vatican at ilang linggo pa lamang ang nakakaraan, ay nagpahayag ng pagbibitiw sa puwesto.

Sa panahon ng panunugkulan ni Marchetto, malimit niyang batikusin ang gobyernong italyano tungkol sa security package, rejections at pagpapatrolya, subalit hindi rin ito naging madali para mambatikos sa Espanya at Pransiya na nais magpauwi sa mga rom. Posisyong kahit ang Holy See ay dumistansiya sa kaniya, “ang aking pag-alis sa puwesto ay walang kinalaman dito, makalipas ng maraming taon kailangan ko nang magpahinga” – paliwanag niya sa Stranieriinitalia.it.

Ang migrasyon ay sentro ng mga political agenda sa maraming bansa lalo’t higit sa Europa. Ito po ba’y temang nahaharap na mabuti? 
“Una sa lahat sinasabing ang migrasyon ay isang real structure at lahat ng bansa ay interesado sa prosesong ito, bansang iniwan o host countries. Dahil sa economic crisis, ang Europa ngayon na siyang kumakatawan bilang pangarap ay nahihirapang garantiyahan ang kombinasyon ng security-hospitality”. 

Nasaan po ang problema kung ganoon?
“May takot at difficulty sa pagtanggap sapagkat natatakot silang mawalan ng puwesto, takot na mawalan ng trabaho sa pag-aalalang aagawan sila ng mga dayuhan ng trabaho. Siyempre hindi naman natin kayang basahin ang damdamin ng iba kaya’t hindi rin natin masasabi ng may kasiguraduhan; ang maaari lamang nating sabihin ay ang ilan sa mga patakarang anti-migration ay masyadong mahigpit at mangilan-ngilan ay walang rispeto sa dignidad ng tao at lehitimo sa pagbatikos”. 

Anong masasabi ninyo sa kasunduan ng Italya at Libia laban sa illegal migration?
“Naniniwala akong may international law na dapay ipatupad. Ang paghiling ng political asylum ay isang usaping sensitibo. Sa ngayon ang influx ay “halo-halo”,  sa magkaparehong paraan, dumarating sa bansa ang iba’t ibang lahi na may magkakaibang dahilan. May mga dayuhang tumatakas sa economic crisis at mayroon naming tumatakas sapagkat siya’y inuusig. Hindi mo puwedeng i-simplify sa isang kategoriya ang “pagtanggi sa mga illegal” sapagkat mayroon sa kanila na may karapatan sa pagiging political asylum. Kung hindi natin papansinin ang alituntunin sa karapatang internasyunal upang mag-aplay ng political asylum, ngayon na tayo ay nasa panahon ng katahimikan, ano ang gagawin natin kung tayo’y nasa panahon ng giyera?”.

Sa inyo pong sanaysay, inyo pong ipinaalala na sa doktrinang kristiyano at simbahan ay dapat pagnilayan na ang katauhan ng isang dayuhan tulad ng isang refugee ay kumikilala sa kasaysayan ni Hesus. 
 “Tumpak. Si Joseph at Maria ay mga refugees, nagtatago dahil sa sila’y tinutugis ni Erode at tumatakas upang iligtas ni Hesus at sila’y nakatagpo ng tatanggap sa kanila. Tulad ngayon, dapat nating panatilihin ang tamang pakikitungo ng may pagtanggap sa mga nangangailangan”.
Malimit sabihin ng gobyerno na ipagtanggol ang christian identity ng Italya. Tulad ni Minister Gelmini, kaniyang iminungkahi ang pagbasa ng Bibliya sa eskwelahan at sinang-ayunan naman ng gobernador ng Veneto Zaia.

Paano po kaya nila pagsasamahin ang kanilang commitment sa relihiyon at ang mahigpit na patakaran sa migrasyon? 
 “Ang idenity ng mamamayan tulad ng isang tao ay fundamental upang makipag-usap sa iba. Ang pagkakaiba-iba ay hindi mapanganib kung makikilala lamang ang kaniyang historical at cultural identity. Subalit dapat malinaw sa atin kung ano ba ang ibig nating pakahulugan sa Christian identity! Tulad ng inisyatibang “pagpapahalaga sa catholic identity ng Veneto”, pero tingnan muna natin kung paano ito maisasagawa, paano nila haharapin ang usaping pagtanggap at integrasyon ng mga dayuhan habang may batas na dapat sundin”.   

Ano po ang tinatawag na paraang makakristiyano?
Ang batas kristiyano ay pag-ibig sa Diyos, lalo’t higit sa mga nangangailangan. Pagkakaisa at kawanggawa na siyang katuparan ng mga karapatan at obligasyon. Bakit ba ang panlipunang doktrina ay hindi optional na puwede naman iangkop sa tunay na nangyayari.” 

Sa siyam na taon po ninyong paninilbihan bilang opisyal ng mga migrante sa Vatican, kalimitan po hindi ito sinusuportahan ng Vatican ang inyong deklarasyon, hindi rin po ito official position ng simbahan. Naramdaman po ba ninyo na kayo’s nag-iisa sa laban para sa karapatan ng mga dayuhan?
 “Para sa akin, bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang tungkulin, ang sa amin ay bokasyon. Ang Holy See ay malawak na estruktura at tama lamang na ang pagiging opisyal ng mga deklarasyon ay manggaling sa kalihim ng Vatican na nagpapakita ng ibang opinyon ng Papa. Nagkaroon ako ng karapatang sabihin at magpahayag ng aking saloobin kung ang mga usaping pangmigrasyon ay labag sa doktrinang kristiyano at ang hindi pagsuporta ng Vatican ay hindi nangangahulugan ng aking pagiging alagad ng simbahan”. Ang panayam ay isinagawa ni Marco Iorio. (Liza Bueno Magsino)
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DENGUE world threat

Krimen