in

Mario Morcone, head muli ng Immigration Department ng Ministry of Interior

Ang prefect ng Naples ay muling nagbabalik na may pangunahing papel sa pamamahala ng imigrasyon, asylum at citizenship. Nagpatupad ng online procedure ng unang click day, pati ng pinaka huling regularization.

Rome – Hunyo 16, 2014 – Upang pamahalaan ang imigrasyon, ang Ministry of Interior ay ipinagkakatiwala sa isang dating institusyon.

Bilang head ng Department of Civil Liberties and Immigration ng Viminale ay nagbabalik si prefect Mario Morcone, na ginampanan na ang parehong ‘papel’ sa nakaraan. Ang posisyon ay bakante ng ilang buwan, matapos ang pag-a-appoint kay Angela Paria bilang councilor ng Court of Auditors.

Ang nabanggit na Kagawaran ng Ministry of Interior ay may isang pangunahing papel para sa mga dayuhan sa Italya. Sa katunayan, ito ay sumasaklaw sa mga decreto flussi tulad ng direct hire at seasonal job, family reunification, regularization, citizenship at political asylum na sa mga nagdaang buwan ay partikular na marami ang hinaharap dahil sa mga pagdaong ng mga profugees at migrante sa baybay ng Sicily.

Si Mario Morcone, ipinanganak noong 1952, sa Naples, nagsimula sa civil administration ng Ministry of Interior noong 1976. Matapos ang asignatura bilang isang prefect sa Rieti at Arezzo, nagtrabaho siya bilang UN administrator sa Kosovo, pagkatapos ay ibinalik sa Viminale bilang General Administrative Director ng Ministry of Interior, at samakatwid bilang head ng Fire Department.

Noong 2006 siya ay itinalaga sa unang pagkakataon bilang head ng Department of Civil Liberties and Immigration. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, ay itinalaga ang online procedure at bininyagan ang unang click day ng direct hire na hanggang sa mga panahong iyon ay isinusumite sa mga post offices.

Noong 2008 siya ay naging commissioner ng Comune di Roma, noong 2010 siya ay naging direktor ng Sequestered Mafia products Agency. Sa lokal na halalan noong 2011 ay tumakbo bilang alkalde ng Naples, at sa administrasyon ni Monti ay naging punong tauhan ng Ministry of Integration ni Andrea Riccardi, kung kailan magkasamang ipinatupad ang huling regularization.

Nitong nakaraang Biyernes, sa panukala ni Minister of Interior Angelino Alfano, ang Konseho ng mga Ministro ay muling ni-re-appoint bilang pinuno ng Department of Civil Liberties and Immigration.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MATAGUMPAY NA SELEBRASYON SA ROMA NG ika-116 KALAYAAN NG PILIPINAS

Mga dokumento buhat sa employer na kailangan sa renewal ng permit to stay, anu-ano ito?