in

Maroni: “Alfano, ihayag ang iyong posisyon ukol sa Bossi-Fini law”

“Nais naming malaman ang iyong posisyon ukol sa pagtatanggal ng Bossi-Fini law at ang pagpapatupad ng ius soli”

Milan, Abril 30, 2013 – “Ang gobyerno ni Enrico Letta ay hindi kumakatawan sa North at tahasang naghayag ng kanyang posisyon at mga mungkahi na para sa akin ay pawang mga negatibo lalong higit ang ukol sa imigrasyon”.

Ito ang mga binitawanag salita ng Pangulo ng Lega Nord na si Roberto Maroni, sa pagtatapos ng isang pagpupulong ng partido.

Inihayag ni Maroni na ang pagkakatalaga kay Alfano “ay positibo” sa pagkakabuo ng bagong gobyerno dahil magpapatuloy sa kanyang laban sa mafia at sa kriminalidad. Ngunit nais naming malaman ang kanyang posisyon ukol sa pagtatanggal ng Bossi-Fini law at ang pagpapatupad ng ius soli tulad ng naunang inanunsyo ng bagong Ministro ng Integrasyon na si Cecil Kyenge.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Alfano, Giovannini, Bonino at Kyenge sa gobyerno para sa imigrasyon

Letta sa Kamara: “Gawing yaman ang mga new Italians”