in

Maroni, dahilan ng kaunting mixed marriages

altMabilis na pagbagsak ng bilang, dahil na rin sa kasalukuyang security law na nagbabawal ikasal sa Italya ng sinumang walang permit to stay

Roma – Ang security law noong 2004 ng Interior Minister Roberto Maroni ay nagkaroon nà ng epekto sa resulta ng istatistika ukol sa mixed marriages sa Italya.

Ang negatibong ulat ay ayon sa ISTAT kamakailan, na nagpapakita ng isang pagbabà ng bilang ng mga kasalan sa Italya. Nagkaroon ng 230,613 noong 2009 at mas mababa ng 217,000 sa taong 2010, o 3.6 na kasalan sa bawat 1,000 mga naninirahan. Sa loob lamang ng dalawang taon, ay halos 30 000 ang ibinabà sa bilang ng mga kinasal noong 2008 na umabot ng 246,613, o 4.1 sa bawat 1,000 mga mamamayan.

Bukod dito, ang mga kasalan kung saan ang isa sa magkasintahan ay isang dayuhan, o mixed marriage (halos 21 000 ang mga kinasal noong 2009) ang naging sanhi ng pagbabà ng bilang (mas mababa ng 3191 kumpara noong 2008). Partikular ang pagbagsak ng bilang sa pagitan kababaihang Italyano mga at mga dayuhang lalake, mas mababa ng 23.9% sa isang taon.

Ano ang mga naging hadlang ng mixed Couples sa altar? Ang Istat ay walang duda: “Ang pagbagsak ng numero ay higit sa lahat dahil sa aplikasyon ng Artikulo. 1, talata 15 ng Batas No 94/2009, na nagsasaad na ang mga dayuhan na nais na magpakasal sa Italya, bilang karagdagan sa mga tradisyunal na awtorisasyon, ay kakailanganin ang isang dokumentong nagpapatunay ng legalidad ng pananatili sa Italya, ang permit to stay.

Sa madaling salita, bawal ang kasal sa mga iligal na imigrante sa Italya, ang security law ay naging daan upang bumabà ang bilang ng mixed marriages. Isang batas, na pinapanigan ng pamahalaan, upang labanan ang tinatawag na “madaling kasalanan” (o matrimony a comodo), na naglalayong magkarron ng permit to stay o ng citizenship. Ngunit paano na ang tapat na pagmamahalan ng mga magkasintahan upang talikdan ang isang kasal sa Italya dahil sa bigat ng batas ayon kay Maroni?

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unibersidad, tumatanggap ng aplikasyon mula sa mga mag-aaral ng ibang bansa.

Pagtatanggal sa trabaho (ikalawang bahagi)