Ang Ministry of Interior ay gumawa na ng isang dekreto sa deportation na base sa batas ng ‘Bossi-Fini’
Pagkatapos ng mga kontrobersiya ng mga araw na ito para sa di-aplikasyon ng Bossi-Fini sa mga korte at mas piniling sundin ang European directives sa pagpapa deport(115/2008), ang Ministry of Interior ay tila handa na upang humanap ng isang solusyon.
Sa katunayan sa isang pakikipanayam sa Corriere della Sera, sinabi ni Maroni na kanyang inihanda ang isang bagong batas sa pagpapatalsik ng mga iligal na dayuhan.
“Aking inihanda ang isang dekreto upang solusyunan ang mga negatibong epekto sa desisyon ng advisory council on immigration o consulta (kung saan ay halos ginagawang imposible ang expulsions ng mga iligal na dayuhan) at sa mga kinakailangan pagbabago sa pagpapatupad ng Bossi-Fini na kaugnay ang European directive ukol sa pagpapa deport ng mga iligal na dayuhan at upang maiwasan ang kanilang pananatili sa bansa.
Bilang karagdagan, ang Ministro ay binigyang pansin ang mga protesta sa Hilagang Aprika: “Kailangan itaguyod ang isang malakas at diplomatikong aksyon sa mga bansang ito na nag-aaklas. Kinatatakutan ko ang kanilang pagsalakay dahil tayo ang pintuan ng Europa “