Maroni: ‘Tanggapin ang mga refugees, kung hindi kami ay mapipilitang kumilos bilang isang imperyo’
“Ang pamahalaan ay handa na sa sapilitang pagpapauwi o pagpapabalik ng mga migranteng dumating sa Lampedusa kung mula Tunisia ay walang darating na isang konkretong senyales sa mga darating na araw”.
Ito ang mga naging pahayag ng Interior Minister Roberto Maroni, sa isang panayam ng ‘Corriere della Sera’, “ito ay bilang pagpapa-alala sa mga ipinangako ng Tunisia para sa isang agarang pagpapahinto sa migration, ngunit patuloy pa rin ang pagdating ng mga ito”.
Para sa pagpapa-uwi, ayon kay Maroni “kami ay handa na sa mga kagamitan, isasakay sila sa isang barko at iuuwi sa kanilang sariling bansa. Ang paggamit ng dahas sa pagpapauwi ay maaaring ang natitirang tanging paraan kung ang diplomatikong pagsisikap ng pamahalaan ng Italya ay mabibigo”.
Magmula Biyernes, ang araw ng pagbisita ng ministro ng Tunisia, “dumating ang higit sa isang libong mga taong nag-sabing sila ay mga Tunisiano. At pagkatapos, sakay naman ng dalawang bangka mula sa Libya – pagpapa-alala ni Maroni – ay isang libong mga Somalis at Eritreans din. Hindi kayang harapin ang patuloy na pagdagsa ng mga migrante kung kaya’t kakailanganin ang panibagong istratehiya”. Ayon sa kasunduan sa mga Rehiyon sa tema ng ‘pagtanggap’, nilinaw ni Maroni na “ang nag-iisang Rehiyon na hindi kasama ay ang Abruzzo. Kung saan mang dako magpatuloy ito, ayon sa mga plano na aking isinumite sa mga rehiyon, ito ay nagpapahintulot lamang sa isang presensya ng 1,000 refugees bawat isang milyong residents”.
Kung sakaling may mga pagtanggi, dagdag pa ng Minister, “kami ay mapipilitang magtukoy ng lugar. Ako ang promoter ng pagbabahagi ng mabigat na desisyong ito, ngunit kung ito ay magiging hindi posible, lalo na sa harap ng isang emerhensiyang sitwasyon tulad ng sa mga refugees na tumakas mula sa digmaan sa Libya, kami ay mapipilitang kumilos bilang isang imperyo”.