Nagkakaisa para sa pantay pantay na mga karapatan at magkakasamang inalay ang korona. Mula sa Nilde Iotti Foundation ang inisyatiba, na dinaluhan din ng mga mamamahayag na kababihan ng Stranieri in Italia.
Roma – Marso 9, 2012 – Sa unang unang pagkakataon, sa pagdiriwang ng Araw ng mga Kababaihan, Women’s Day o Festa delle Donne, isang delegasyon ng apatnapung mga kababaihan, mga Italyano at mga imigrante, sa pag-anyaya ni Livia Turco, ang presidente ng Nilde Iotti Foundation, ay nag-alay ng isang korona kahapon ng umaga sa Altare della Patira (Altar of the Motherland) sa Roma. Isang simbolo ng kahalagahan ng pagbabahagi ng pinagmulan ng Republika ng Italya at upang bigyang diin ang iisang laban ng mga kababaihan para sa karapatan, dignidad, paglaban sa karahasan at isang pagtaggap ng lipunan sa pagkakaiba.
Naging bahagi ng seremonya ang mga kababaihang imigrante, buhat sa iba’t ibang relihiyon at lahi, may iba’t ibang edad at wika, ay magkakasamang binigyang diin ang kahalagahan sa lipunan at pagiging bahagi sa iba’t ibang larangan tulad ng kultura, welfare at ekonomiya ng Italya, gayun din ang pagbibigay halaga at pagkakaroon ng malalim na pagtingin sa storya ng Italya.
Naging kasama sina Keti Bicoku (Albanian), Miruna Cajvaneanu (Romanian), Pia Gonzalez (Filipina), Marianna Soronevych (Ukranian), Erika Zidko Piacentini (Brazilian) at Danuta Wojtaszczyk Albanese), ang mga mamamahayag ng Stranieri in Italia. Naging bahagi rin sina Soheir Katkhouda, ang presidente ng Association ng mga kababaihang Muslim sa Italya, Maria Jose Méndez Evora, Knight of the Republic mula Cape Verde, Igiaba Scego, ang nobelistang Italo-Somali, Lucy Hari, miyembro ng komunidad na mga Intsik, at si Themina Janjua ang ambasador sa Roma ng Pakistan.
“Ang ideya – ayon kay Livia Turco – ay upang bumuo ng isang alyansa sa pagitan ng mga Italyano at mga imigrante. Hindi kailanman nangyari ang pagiging pantay-pantay at pare-pareho sa isang lugar tulad nito. Nais naming simulan mula ngayong araw na ito ang pagkakaroon ng network ng mga kababaihan na nagtutulungan para sa iisang layunin tulad ng pagkamamamayan, labor at edukasyon. Ang mga kababaihan ay maaaring gawin ang lipunan mas makatao at pantao na mayroong malawak na pananaw”.