in

Mas mabilis na citizenship dahil sa kasal

Direktiba upang mapadali ang proseso. Huling salita buhat sa Ministro kung lalabas sa mga pagsusuri na isang panganib sa  seguridad ng bansa.

altRoma – Magkakaroon ng isang mas mabilis na pamamaraan para sa mga magiging Italyano dahil sa kasal, halos 20,000 mga dayuhan ang nagiging Italian citizen taun-taon dahil sa kasal.

Mula sa June 1ang pagsusuri ng mga aplikasyon, na hanggang sa ngayon ay pinamamahalaan ng Ministry of Interior, ay mapupunta na sa prefecture. Ito ay tinatayang magdudulot ng mas maigsing panahon sa mga pagsusuri, tulad ng mga paliwanag ng Ministro Anna Maria Cancellieri sa isang direktiba na inilathala sa Official Gazette ilang araw ang nakakalipas.

Ang sinumang ikinakasal sa isang Italyano ay nagiging Italian citizen dalawang taon makalipas ang pag-iisang dibdib kung naninirahan sa Italya at tatlong taon naman kung naninirahan sa ibang bansa. Kung mayroong mga anak, ang panahong nakatakda ay nagiging kalahati na lamang, labindalawang buwan at labingwalong buwan.

Ipinagkakatiwala sa prefecture, ayon sa direktiba, ang pagtangap o pagtanggi sa mga aplikasyon ng mga naninirahan sa Italya. Ang Head ng Department of Civil liberties and Immigration naman ang mamamahala sa mga naninirahan sa ibang bansa. “Ito ay isang discrete evaluation at higit na mayroong political value,  na ibibigay matapos ang pagkakaroon o hindi ng mga requirements gayun din ng mga penal cases”, bigay diin in Cancellieri

Hahawakan mismo ng Ministro ng Interior ang mga aplikasyon na sa panahon ng mga pagsusuri ay magkakaroon ng isang resultang “dahilang naaangkop sa seguridad ng bansa” na maaaring maging dahilan ng pagtanggi sa aplikasyon. Sa mga ganitong kaso, ay papasok ang “isang malalim at maingat na hatol na aangkop sa kilos, pag-uugali at iba pa sa naghahangad na maging mamamayang Italyano na mayroong vital interest  sa bansa”.

Ang direktiba, pagtatapos pa ng Ministro ay naglalayong “mapadali ang proseso”. At bilang isang mahalagang bahagi ng integrasyon ng mga dayuhan, na sa pamamagitan ng kasal, ay maging ganap na miyembro ng komunidad, kaagapay nito ang pangangakong igagalang at magiging bahagi sa pagpapalaganap ng mahahalagang values ng Italian Republic.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MAM AWARDS: NOW ACCEPTING NOMINATIONS FOR 2012

Irregularities at illegal hiring sa Salone del Mobile sa Milan, kumpirmado