“Itigil ang pagdagsa at pabalikin sa sariling bansa ang mga ilegal“.
Milan, Abril 20, 2017 – “Sa kasalukuyan sa Lombardy ay mayroong 23,700 asylum seekers, ngunit ayon sa pinakahuling allocation plan na ginawa ng Viminale ay maaaring tumaas ito maging 28,300. Bilang na hindi kayang pamahalaan at magkakahalaga ng 1 million euros kada araw”, ayon kay Simona Bordonali ng Lega Nord at kilalang Regional Lombardy Assessor on Security and Immigration.
“Sa bagong allocation plan – paliwanag pa ni Bordonali – ay isinasaalang-alang lamang ang bilang ng mga residente ng rehiyon at hindi ang katotohanang sa rehiyon ay may mahigit 1.3 milyong imigrante na, o ang 13% ng populasyon kumpara sa national average na 8% lamang. Kailangang gawin ng kasalukuyang pamahalaan ang ginawa noon ni Maroni habang Minister pa ng Interior: Itigil ang pagdagsa at pabalikin sa sariling bansa ang mga ilegal“.