in

Masusulat sa permit to stay kung balido para sa trabaho

Tatagal ng triple ang releasing at renewal ng mga permit to stay. At susuriin lamang ang mga aplikasyon sa direct hire kung mayroong available na bilang. Isang legislative decree, malapit na.

Rome – Disyembre 13, 2013 – Hindi magtatagal ay mas madaling makikita kung ang permit to stay ay maaaring gamitin sa trabaho at papalitan na rin ang proseso ng pagsusuri sa mga aplikasyon ng direct hire. Bukod dito, ang panahong itinalaga ng batas sa releasing, renewal at conversion ng mga permit to stay ay magiging triple. Ngunti hindi ito dapat ipag-atubili ng milyon-milyong imigrante: wala ng lalalà pa sa kasalukuyang sitwasyon.  

Ito ay nasasaad sa sinususugang Testo Unico per Immigrazione sa isang draft ng legislative decree na pumasa noong nakaraang Dec 3 sa Council of Ministries upang ipatupad ang European directive 2011/98. Ito ay tumutukoy sa “Nag-iisang paraan para sa releasing ng pare-parehong permit to stay na magpapahintulot sa mga mamamayan ng third countries na manatili at mag-trabaho sa isang European Union member state.

Sa katunayan, ang Italya ay halos ipinatutupad na ang mga ito, dahil ang kasalukuyang batas ay halos katulad ng hinihingi ng directive. Ang proseso sa pagpasok ng mga dayuhan sa Italya sa pamamagitan ng direct hire, sa katunayan, ay nagtatapos sa releasing ng permit to stay, balido sa pananatili at pagta-trabaho sa Italya. Bukod dito, nasasaad din sa directive ang pagkakapantay-pantay ng mga manggagawang regular na dayuhan at manggagawang regular na italyano, na halos mayroon na sa Italya.

Ang draft na legislative decree, kung saan ang Parlayamneto ay maghahayag ng opinyon, ay nagtataglay ng mahahalagang pagbabago.

Una, nasasaad na sa mga permit to stay na nagpapahintulot magkapag-trabaho ay makikitang nakasulat ang “Perm. Unico lavoro”. Ito ay magpapahintulot sa mga future employers na maunawaan kung maaaring tanggapin ang imigrante na dumating sa Italya para sa ibang motibo (hal. para sa pamilya sa pamamagitan ng family reunification) ngunit, alinsunod sa batas , ay maaaring maghanap ng trabaho .

May mga iba pang tuntunin na maaaring gumawa ng ingay. Isang susog sa Testo Unico kung saan nasasaad na “ang permit to stay ay ibinibigay, nare-renew o nako-convert sa loob ng 20 araw mula sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon”, ay itinaas sa 60 araw. At magiging 60 araw, at hindi tulad ng 40 araw tulad sa kasalukuyan, pati ang bilang ng araw na dapat suriin ang aplikasyon ng Sportello Unico para sa direct hire upang ipagkaloob ang nulla osta para sa pagpasok ng manggagawa sa Italya.

Gayunpaman, malabo na ang bagong regulasyon ay maipatupad. Dahil sa kasalukuyan, walang dayuhan ang nakapag-renew ng permit to stay sa loob ng 20 araw lamang. O isang employer na sa loob ng 40 araw ay nagkaroon ng nulla osta para sa dayuhang manggagawa. Sa katunayan, ang pinag-uusapan, sa kabila ng nasasaad sa batas, ay hindi tumutukoy sa bilang ng araw bagkus ay bilang ng buwan at sa ilang pagkakataon, bilang naman ng taon.

Sa pagtatapos, ang dekreto ay nagsasaad sa aplikasyon ng hiring mula sa ibang bansa “na sinuri labas sa limitadong bilang” na itinatag ng dekreto. Ang aplikasyon na lalampas sa limitasyong ito, ay maaari lamang masuri “sa konteksto ng pagbibigay, sakaling magkaroon ng available”.

Ang epekto ng panuntunang ito ay magpapadali sa gawain ng Sportelli Unici. Sa sandaling maubos ang bilang, ay maaari, sa katunayan na ipagwalang bahala ang lahat ng iba pang mga aplikasyon, at hindi na obligado na magbigay pagkakataon sa libu-libong rejected.

Schema di decreto legislativo recante recepimento della direttiva 2011/98/UE relativa a una procedura unica di domanda per il rilascio di un permesso unico che consente ai cittadini di Paesi terzi di soggiornare e lavorare nel territorio di uno Stato membro e a un insieme comune di diritti per i lavoratori di Paesi terzi che soggiornano regolarmente in uno Stato membro.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ITALIA per EMERGENZA FILIPPINE: VELIVOLO C27J IN VOLO CON MATERIALE UMANITARIO MAE E INTERSOS

Colf at caregivers – Bawas sa ISEE para sa mga non-self sufficient